Showbiz News

Bagong record sa live chat, na-set nina Jake at Bea

Hindi inasahan nina Jake Vargas at Bea Binene ang pagdagsa ng kanilang mga fans sa iGMA.tv last Thursday, May 27, para sa kanilang first-ever live chat. Tuwang-tuwa silang makipag-chat sa kanilang mga supporters, who turned their first live chat into a record-breaking event! Nag-set ng panibagong record for most number of questions and comments received sina Jake Vargas at Bea Binene sa kanilang first ever iGMA Live Chat. Ayon sa official tally, 27,011 questions and comments ang naipadala para kay Jake, at 22,141 questions and comments naman ang para kay Bea. Doble ito sa existing record na siyang na-set ng kanilang First Time castmates at friends na sina Joshua Dionisio at Barbie Forteza last March. Ano kaya ang pakiramdam nilang dalawa sa pagbugso ng kanilang mga fans para makausap sila ng personal? “Sobrang saya,” ang simpleng sagot ni Jake. Dagdag naman ni Bea, “Sobrang honored kasi first time naming nakipag-chat dito sa iGMA tapos na-break pa naming 'yung record.” Inasahan ba nila na ganito karami ang kanilang mga supporters? “Nagulat nga po kami, kasi 27,000 ['yung questions]”, shares Jake. “Sobrang thankful ako sa support kasi first time kong magkaroon ng daily, tapos first time kong magkaroon ng acting talaga,” pagkukuwento ni Bea. “At first po kasi hindi ko alam yung magiging pagtanggap sa ’kin ng mga tao...Medyo bad si Natalie noon [sa First Time], kaya maraming nagalit sa ’kin. Pero ngayon, at least mas maraming natutuwa sa’kin.” Ano naman ang kanilang na-discover sa naging experience nila sa iGMA Live Chat? “Ngayon na-discover ko na maraming nanonood ng First Time, na maraming interesado sa’min,” Bea reveals. “First time ko pong makipag-connect sa kanila, kasi mostly po sa Facebook lang.” Ano naman kaya ang maisusukli ng dalawang young artists sa ipinakitang support ng kanilang mga fans? “Ibibigay po namin yung gusto po nila,” says Jake. “Mamahalin po namin sila.” “Mas gagalingan po namin. Mas igi-give po namin yung best. Tataktakin po namin para mapasaya kayo kasi alam namin na andyan kayo lagi for us,” promises Bea. Nagpasalamat naman ng personal ang dalawa sa kanilang mga fans na naki-bonding sa kanila at maging sa mga fans na patuloy na sumusuporta sa First Time. “Salamat po sa mga fans naming, dahil kung wala kayo, wala po kami sa kinatatayuan namin, kaya maraming-maraming salamat po sa inyo sa suporta niyo sa’min,” mensahe ni Jake for their fans. “Tapos thank you po sa pagsubaybay niyo sa First Time, tapos thank you po sa pag-chat, sobrang thank you po,” adds Bea. If you missed this record-breaking event, don’t worry because in the following days ay magiging available na ang kanilang live chat transcript. Abangan din ang exclusive photos from this event as well as the webisode coming soon dito lang sa iGMA.tv! Pag-usapan sina Jake at Bea sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Jake. Just text JAKE (space) [Your message] and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) JAKE (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.