Showbiz News

Maiinit na intriga hatid ng Startalk at Showbiz Central ngayong weekend

Startalk. Ang mga ilang balita na dapat niyong abangan sa Startalk True Stories ay “Heart Evangelista may pahayag ukol sa isyung nag-walkout daw si Mark Herras sa taping ng ‘Langit Sa Piling Mo’. Heart magsasalita live!” Bibigyang linaw ni Heart ang pangyayaring ito lalo na’t siya ang leading lady ni Mark Herras. Isa pang true story, “Sigalot sa pagitan ng First Time star na si Jake Vargas, Direktor na si Andoy Ranay, at ni Kuya Germs, hihimayin!” Ang mainit na issue tungkol sa di umano’y ugali ng Direktor, hihimaying mabuti! Ang hindi pa natatapos na issue, “Ang umano'y ugat ng tampuhan ng Ampalaya Anonymous at ni Pauleen Luna na si JC Tiuseco magsasalita na!” Pakaabangan ang pagsasalita niya tungkol dito. Masayang balita, “Judy Ann Santos, baby boy ang ipinagbubuntis!” Alamin kung gaano kasaya si Judy Ann ngayon sa kanyang pagbubuntis. Iilan lang yan sa pinakamainit na balita kaya’t pakaabangan ang mga bumubulusok na intriga. Tutukan din ang ilang mga new segments ng Startalk, ang May Nag-TX!!! Kung saan mainit na mainit ang balitang “Nora Aunor hindi na nga ba makakanta dahil naapektuhan ang vocal cord dahil sa surgical procedure” at “Sexbomb Dancers mabubuwag na nga ba dahil sa isa-isang pagreretiro ng mga miyembro nito?” Abangan! Ang ilang new segments pa na dapat tutukan ay ang Talkathon Xpress, Agaw X-Sena! Ngayon Na!, T! The TigbaXXX Authority, Rampage, at Da Who! Rated X! Samahan sila Joey De Leon, Lolit Solis, Butch Francisco, at Ricky Lo sa showbiz authority tuwing Sabado ang Startalk. Pakatutukan din ang Showbiz Central ngayong Linggo sapagkat magpapasabog din ito ng mga balitang hindi niyo pa nakikita o naririnig. Tulad na nga lang ng “Kris Bernal, haharapin ang sanga-sangang isyu kaugnay ng kanyang controversial lovelife sa Don’t Lie To Me!” Mabuking na kaya ang tunay na namamagitan sa kanila ni Aljur Abrenica? Malaman na kaya natin kung may special someone ito? Live na live na sasagutin yan ni Kris Bernal at hindi na ito matatakasan. Eksklusibong balita! “Back to back exclusive U.S. stories, Jay-R nagpropose na raw kay Krista Kleiner? At Ela V. napaiyak sa buhay na pinagdaanan niya sa Amerika!” Abangan ang mga balitang ito straight from the U. S.! Isa pang eksklusibong balita, “Tutukan ang latest at eksklusibong pagsilip sa Pinoy adaptation ng hit Koreanovela na Endless Love!” Para sa latest update na pinakaaabangan na pagbabalik tambalan ng taon, Dingdong Dantes at Marian Rivera, Showbiz Central got the VIP pass. Hottest scene, “Heart Evangelista, sisilipin ang ilang mahahalagang yugto ng buhay sa The Story of Your Life!” Tutukan ang Story of Your Life kasama si Heart Evangelista at silipin natin ang kanyang nagdaang taon sa showbiz. Silipin din natin ang mga dapat pa nating malaman sa kanya bukod sa kanyang love life at career. Isa pang magpapainit sa inyong hapon, “Brazilian Hunk Daniel Matsunaga, handa na nga bang magmahal ng Pinay ngayong hiwalay na siya sa kanyang non-showbiz Brazilian girlfriend?!” Makakausap ng Showbiz Central ang one of the hottest guys ngayon sa showbiz, Daniel Matsunaga, live na live! Mainit pa sa panahon, “Kilalanin ang bagong mukha na eeksena at makiki-intriga sa Showbiz Central simula sa Linggo, LIVE!” Ilan lang yan sa mga bumubulusok na eksena ngayong Linggo kaya’t samahan sila Pia Guanio, Raymond Gutierrez, at John “Sweet” Lapussa nag-iisa at kinikilalang official intriga capital of the Philippines ang Showbiz Central. Sanib puwersa na ito para sa mga hottest intrigues ngayong linggo sa Startalk at Showbiz Central, abangan! Compiled by Camille Alipio