Showbiz News

Abutin ang langit ngayong gabi sa 'Langit Sa Piling Mo'

Simula ngayong gabi, GMA7 unravels the glamorous, colorful and fascinating world of the airline industry sa much-awaited maiden flight ng latest prime time drama nito, ang Langit Sa Piling Mo. Sa pangunguna ng pinakabagong tambalan nila Heart Evangelista at Mark Herras this original series will revolve around the story of two individuals bound by a common dream, ang makalipad. Heart plays the role of Marj, isang matapang at pursigidong flight attendant na walang ibang hinanangad kundi ang mabuo muli ang kanyang pamilya. Tinuturing niya ang bawat flight assignment na isang pagkakataon, hindi lamang upang maka-biyahe, kung hindi makita ang kanyang dalawang kapatid na sapilitang inilayo mula sa kanya. Kahit madaming mga humahanga at umaaligid, hindi siya kailanman naging seryoso sa paghahanap ng isang boyfirend. Subalit makikilala niya si Rigo, portrayed by Mark Herras, ang gwapo ngunit pasaway na anak ng may-ari ng Eagle Airways, ang kompanyang pinagtratrabahuhan ni Marj. Si Rigo ay nakatakdang ikasal kay Aurora (Katrina Halili), isang insecure na babae mula sa isang influential family sa Cebu. Sa hindi inaasahang pagkakataon, si Rigo ang magiging daan at katulong ni Marj upang mahanap niya ang kanyang pamilya. Gaano pa katagal bago muling masilayan at makasama ni Marj ang kanyang buong pamilya? At kung dumating ang pagkakataong ito, matuwa kaya siya o magulat sa mga pagbabagong sasalubong sa kanya? Magkaroon na kaya ng lakas ng loob si Rigo upang gawin ang mga bagay na tunay na magpapasaya sa kanya? At sa huli, magkasama kayang maabot nina Marj at Rigo ang kanilang pangarap o tuluyang na ba silang mapaghihiwalay ng mga problema at pagsubok na nakapaligid sa kanila? Subaybayan ang isa na namang first in Philippine TV history and be a part of this one of a kind journey. Langit Sa Piling Mo will start airing tonight sa GMA Telebabad. Pag-usapan ang Langit Sa Piling Mo sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Heart and Mark. Just text HEART or MARK (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) JAKE (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.