Showbiz News

Elmo Magalona on being the 'new crush ng bayan'

Sa Party Pilipinas pa lang regular na napapanood si Elmo mag-perform. Pero base sa mga komento sa iba't ibang social networking sites, marami nang humahanga at nagkaka-crush sa kanya. Sa Twitter nga, very open maging ang ilang young actresses sa paghanga sa kanya. "Well, not to brag...siyempre, crush lang naman. Siyempre, naa-amaze din siguro sila minsan na nakikita nila si Pop sa akin. Parang mini-Francis M ako. So, siguro ganoon ang tingin nila," nakangiting sabi ni Elmo nang kunin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press ang kanyang reaksiyon tungkol dito sa presscon ng Pilyang Kerubin kagabi, May 31. Pero kinontra namin ito at sinabing hindi naman ang kanyang yumaong ama ang nakikita sa kanya ng mga nagka-crush sa kanya kundi siya mismo. "Siyempre, positive 'yan. Sobra akong happy na maganda ang feedback nila. Maganda ang comment. At saka nagsu-suporta sila sa akin," pahayag ni Elmo. At 16, hindi pa raw nagkakaroon ng girlfriend si Elmo. Pero pagdating sa mga crush, mabilis nitong inamin kung sino ang crush niya sa showbiz. "Si Rhian [Ramos]!" mabilis niyang sagot. "Kasi, all-around po ang talent niya-hosting, singing, dancing." We told Elmo na crush din siya ni Rhian. In fact, may sa Twitter account ng young actress ay nagbiro siya na "hihintayin" niya si Elmo. Natawa naman si Elmo at sinabing, "Siyempre, katuwaan lang po yun. At saka parang nahuhusayan din po siya sa ginagawa ko ngayon." Kumusta sila pag nagkikita sila sa Party Pilipinas? "Okey lang. Minsan binibiro niya ako, pero minsan lang naman!" natatawa pa rin niyang kuwento. ENTRY TO SHOWBIZ. Tinanong din namin si Elmo kung na-imagine o na-anticipate niya ba na magiging mainit pala ang pagtanggap sa pagpasok niya sa showbiz? "Yung pagpasok ko sa Party Pilipinas at sa Pilyang Kerubin, hindi ko talaga na-anticipate na ganito ang mangyayari. Akala ko, guesting-guesting lang. Pero nabigyan din ako ng opportunity. Sobrang happy kasi parang chance na 'to," sabi niya. Toddler pa lamang ay gumawa na ng maraming TV commercials si Elmo. Pero ngayong nakatapos na siya ng high school pa lamang talaga seryosong pinasok ni Elmo ang mundo ng showbiz. Bukod sa Party Pilipinas ay kasama siya sa cast ng bagong primetime series ng GMA-7 na Pilyang Kerubin, kasama ang tambalan nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio. Magsisimulang mapanood ang Pilyang Kerubin sa June 7. Sinabi ni Elmo na sa pagkakaalam niya ay hindi siya naging replacement for Jhake Vargas bilang ka-love triangle nina Barbie at Joshua. Sa Stairway To Heaven at First Time kasi ay si Jhake ang nakasama nina Barbie at Joshua, pero dito nga sa Pilyang Kerubin ay susubukan naman ang chemistry nila with Elmo. "Ang alam ko po, gumagawa rin po yata siya ngayon ng album kaya naghanap din po sila ng iba," sabi ni Elmo tungkol kay Jhake. Kahit nag-aartista na siya, may plano pa rin daw si Elmo na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Kaka-graduate lang niya ng high school sa Montessori sa Antipolo. Posible raw na sa UP o Informatics siya mag-aral ng kursong Theater Arts o Information Technology. "Sinabi ko lang na siguro, kahit hindi ko ito gawin, mangyayari talaga 'to. Nasa blood talaga namin ang pagpe-perform simula pa sa ancestors namin—Lolo Pancho [Magalona] and lola ko [Tita Duran]," banggit ni Elmo tungkol sa pagpasok niya sa showbiz. Kailan niya na-realize na gusto niyang pasukin ang mundo ng showbiz? "Siguro ngayon lang talaga," sagot niya. "Noong wala pa naman, ang iniisip ko talaga yung pagka-college ko. Tapos, napasok dito, napunta dito kaya nagpo-focus ako dito ngayon." So far, he's enjoying what he's doing now. "Sobrang mababait naman ang mga kasama ko at sobra silang masayang kasama," sabi ni Elmo. Ano naman ang mga advice sa kanya ng kanyang mom na si Pia Magalona sa pagpasok niya sa showbiz? "Siyempre, sinasabi niya to always try to be nice. Palaging susunod sa dapat gawin. Sa instruction ng anuman like director or production. Sa pinaka-don'ts po niya, yung don't stay up late. Pero palagi pa rin po akong nagpupuyat kakalaro ng video games!" natatawa niyang pambubuko sa sarili. MISSING THE MASTER RAPPER. Dahil ngayon lang naman siya nakaharap ng entertainment press, naitanong namin kay Elmo during the presscon kung paano siya nag-cope sa pagkawala ng kanyang ama. "Family...nagba-bond lang kami talaga," sagot niya. "Kapag inaalala namin siya, yung good time lang palagi. At saka siyempre, move forward. We have to... Siyempre, alam naming ayaw ni Pop ng drama at mas gusto niyang happy kami." Ano ang nami-miss niya tungkol sa kanyang ama? "Siyempre yung presence po niya. Kasi kunwari kapag family, e, ang tawag sa kanya ni Mom, 'Peter Pan' dahil ayaw niyang mag-grow up daw. Pati si Mom, kinukulit ni Pop." Ayon kay Elmo, sa tingin daw niya ay yung sobrang kaadikan niya sa paglalaro ng video games ang namana niya sa kanyang yumaong ama. "Sa aming lahat, ako talaga ang naadik sa games. Kasi sa aming lahat, magagaling din naman ang mga kapatid kong kumanta. Kuya ko at si Arkin, magagaling din sila. At saka sumasayaw rin sila. At saka yung talent ni Pop at ni Mom, na-spread sa aming lahat," saad niya. PeP.ph Pag-usapan si Elmo sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!