
Pinasok na rin ng komedyanteng si Gladys Guevarra ang pagnenegosyo ngayong panahon ng pandemic upang magkaroon ng extra income.
Hindi lang pala siya sa pagkanta at pagpapatawa mahusay dahil magaling ding magluto si Gladys.
Sa social media idinaan ng komedyante ang pagtitinda ng mga luto niya mismong pagkain gaya ng mga kakanin at desserts.
“Nag-try ako mag-culinary dati pero hindi ako naka-graduate. Bilang tambay ka naman ng kusina ngayong lockdown, imbento-imbento, sabi ko, 'Ibenta ko kaya ito?] So ibinenta ko ko 'yung palitaw.
Ayon pa sa kanya, umuwi siya ng Olongapo City para makapiling ang kanyang pamilya at gaya ng marami, nakaranas din ng anxiety si Gladys sa nakalipas na tatlong buwan ng quarantine.
Bukod sa kinikita niya sa pagtitinda, naging diversion niya umano ito para hindi malugmok sa lungkot lalo nang mabalitaan ang pagsasara ng comedy bars na Zirkoh at Klownz, kung saan siya nagtatrabaho.
“Nagpa-panic attacks na ako. Nag-a-anxiety na ako. Nade-depress na ako. Walang tapings, bawal ang mass gatherings pa. 'Yung shows sa gabi, 'yung Klown at Zirkoh, tingnan mo naman ang inabot namin. Nagsara na nga rin. So inisip namin wala na kaming babalikan,” aniya.
Bagamat bago ito sa kanya, proud at nag-eenjoy umano siya sa kanyang bago negosyo.
Payo naman niya sa publiko na nagnanais na magsimula nang bago, “Lahat ng pwedeng pagsimulan, fishball, kung anu-anong mga maliliit na bagay kasi 'di ba 'yung mayayaman hindi naman overnight naging mayaman 'yan. 'Di ba? Start muna sa maliit.”
Matatandaang nagbukas ng kanyang food business na Kitchen ni Chuchay si Gladys sa Quezon City noong January.
Paano nabuo ang bagong food business ni Gladys Guevarra na Kit-Chay?