Showbiz News

Ritchie Paul Gutierrez confirms relationship of brother Richard and Jewel Mische

Pilyang Kerubin sina Ritchie Paul Gutierrez at Jewel Mische. Si Ritchie Paul ang bunso sa mga magkakapatid na Gutierrez, samantalang si Jewel naman ang matagal nang napapabalitang girlfriend ng kapatid ni Ritchie Paul na si Richard Gutierrez. Sa presscon ng Pilyang Kerubin last Monday, May 31, sa Studio 5 ng GMA Network Center, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ritchie Paul. Nang mapadako kasi ang usapan tungkol sa mga girlfriend nilang magkakapatid ay tila nadulas si Ritchie Paul at kinumpirma niya ang relasyon ng Kuya Richard niya at ni Jewel. Napag-uusapan ba nilang magkakapatid ang tungkol sa lovelife nila? "A, recently hindi, hindi na kami masyadong nag-uusap, hindi masyado," sagot ni Ritchie Paul. "I mean, kasi si Elvis, may GF siya for ilang years na. Si Chard, alam mo na, si Jewel, di ba? Tapos, 'yon. Kumbaga, matagal na kasi mga girlfriends namin kaya hindi na namin pinag-uusapan." Pero ayon kay Ritchie Paul, kabi-break lang daw nila ng non-showbiz girlfriend niya. "Mga siguro six months ago lang yata," banggit niya. So, open na ba si Jewel sa kanila? Tanggap na tanggap na ng family nila? "Okay naman. Okay naman sa mom ko [Annabelle Rama]. Okay siya sa akin, okay siya," sagot ni Ritchie Paul. Ano ang pagkakakilala niya kay Jewel? "She's really nice, pretty and smart, and she's faithful. She's really a faithful person, she's a nice person. I've got nothing against her whatsoever," sagot ng 23-year-old rapper turned actor. Ano ang pinakahinahangaan niyang ugali ni Jewel? "Siguro yung sobrang religious niya, si Jewel. Nagbabasa siya ng Bible every day. Pag kinakausap mo siya, tungkol parati sa mga ganun, mga kay God, and stuff." Kaya ba nagustuhan na rin ng mommy niya si Jewel? "Siguro, siguro... Siguro tanungin ninyo mom ko kung bakit niya nagustuhan," iwas nito. Sa mga naging girlfriends ni Richard, kanino siya pinakaboto? "Lahat, okay sila lahat. Wala naman siyang hindi magandang girlfriend o hindi mabait na girlfriend, e," sagot ni Ritchie Paul. WORKING WITH JEWEL. Parehong pulis ang role nina Ritchie Paul at Jewel sa Pilyang Kerubin. Madalas ba silang magkaeksena ni Jewel? "So far, hindi pa, hindi pa. Siguro, pero wala pa sa script, e. First week pa lang ang nakukuha ko, e," sabi ng bunso sa Gutierrez siblings. Ina-anticipate na ba niya working with Jewel? "Oo naman," sagot niya. Close ba sila? "Well, one time nag-lunch kami, kaming dalawa," sabi ni Ritchie Paul. Silang dalawa lang? "Oo, wala namang problema dun, e. Photo shoot [for Pilyang Kerubin], tapos nagkayayaan lang. Gutom na gutom kami, so kumain kami," kuwento niya. Ano ang napag-usapan nila? "Personal na...private matters na yun!" tawa niya. Sa mga future scenes nila ni Jewel sa Pilyang Kerubin, magkailangan kaya sila? "There's no reason for me to feel that way," sagot ni Ritchie Paul. THE BROTHER OF... Ano ang pakiramdam ng maging kapatid ng tulad nina Richard at Ruffa? Madalas ba siyang maikumpara sa kanyang famous siblings? "Oo naman, oo naman!" sambit ni Ritchie Paul. "Siyempre kahit saan ka pumunta, 'A, siya yung kapatid ni Richard, siya yung kapatid ni ganito.'" Pero kahit nararanasan daw niya 'yon, never siyang na-insecure sa popularidad ng kanyang mga kapatid. "Insecure? Hindi, walang ganun. Sanay na ako, 'antagal na, e. Tagal na nila sa industry. Bata pa lang ako, 'Anak siya ni ganito.' Tapos ngayon, 'Kapatid na ni ganito.'" Hinahanap pa ba niya na maiba ang sitwasyon, na makilala siya sa sarili niyang identity bilang isang artista? "Well, depende, alam mo yun? Siguro ngayon sa acting, sa role na ginagawa ko ngayon. Seryoso na ako ngayon, 'yon lang ang masasabi ko dun." Paano ang pagra-rap niya? "Itutuloy ko pa rin. Itutuloy ko pa rin," sagot niya. Kaya nga raw nag-aartista si Ritchie Paul ay para makaipon ng pera to produce his own music video at pondohan ang sarili niyang rap album, if ever. -- PEP.ph You can check out Ritchie Paul at the Pilyang Kerubin press conference in this photo gallery. Pag-usapan sina Ritchie Paul, Richard at Jewel sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!