What's Hot

Mikee Quintos, mas magiging 'honest' at 'braver' sa kanyang vlog

By Marah Ruiz
Published July 16, 2020 5:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos


Sa relaunch ng kanyang vlog, mas magiging bukas si Mikee Quintos na ipakita ang iba't ibang sides ng kanyang pagkatao.

Mas hands-on na ngayon si Kapuso actress Mikee Quintos sa bagong relaunch niya na YouTube vlog.

Siya na kasi mismo ang nagsu-shoot at edit ng sarili niyang videos, bukod sa pag-iisip ng mga konseptong maaring gawin.

Sa isang recent niyang video, ipinakita na niya ang kanyang vulnerable side.

Isa ito sa mga pagbabago na dala ni Mikee sa kanyang vlog.

"I guess this time around, what people can expect siguro from me is a more honest me, a braver me, a more open Mikee," pahayag niya sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Naging mahaba daw ang kanyang pag-iisip bago napagdesisyunan ang mga pagbabagong ito.

"It's a big decision for me to share this side pero like I said, sila (fans) din naman 'yung nagpapalakas ng loob ko to do it," aniya.

Umaasa raw siya na magugustuhan ng kanyang followers ang mga video na inihahanda niya.

"Just give me time and I'll work on creating good stuff for your entertainment. I'm really excited. This is just the beginning," pahayag ni Mikee.

Minsan nang ibinahagi ni Mikee na gusto niyang mas makilala pa ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang vlog.

Bukod dito, natanggap na rin niya kamakailan ang kanyang Silver Play Button matapos umabot ng mahigit 100,000 subscribers.