Showbiz News

Mark Herras kinabahan kay Heart Evangelista

Hindi nakaligtas sa intriga si Mark Herras tungkol sa kanyang bagong ka-love team na si Heart Evangelista. Kaya naman sa press launch ng Langit Sa Piling Mo, isa-isa niyang sinagot ang mga issues. Text by Loretta G. Ramirez, Photos courtesy of GMA Network Kakaiba ang role ng Bad Boy of the Dance Floor na si Mark HerrasLangit Sa Piling Mo. Portraying the role of Rigo, ang Chief Operating Officer ng Eagle Airways, inamin ni Mark na medyo nahirapan siyang mag-adjust sa bago niyang character. "Siguro ang pinakamahirap lang sa akin for this show is to dress like this [formal]. Magbihis ng ganito na halos every scene ko, naka-suit ako, naka-black shoes ako, kasi masakit sa paa kasi hindi ako sanay. Pagdating nga sa taping, hindi puwedeng naka-kuba, kailangang straight body," ang kuwento ni Mark sa press. Pero inamin din niya na isa sa mga challenges sa bago niyang show ay ang pagiging ka-love team ni Heart Evangelista . "Honestly speaking nung pictorial pa lang kinakabahan na ako, during the pictorial sabi ng photographer, relax ka lang, kasi naninigas daw ako, ibig sabihin, nahihiya po ako," ang natatawang kuwento ng bagong leading man ni Heart. Pero bakit nga ba siya nahihiya at kinaabahan sa kanyang bagong ka-love team? "One thing is that maganda talaga si Heart," ang paliwanag niya. "Pangalawa, award-winning actress siya ng GMA. And pangatlo, first time ko naging ka-love team si Heart, e." Idinagdag naman ni Mark na hindi naman daw dapat lagyan ng malisya ang kanilang unang pagtatambalan ni Heart. He assured his fans that he is only interested in making the new team-up work. "Kami ni Heart ang gusto naming ipakita dito sa Langit sa Piling Mo, is makita ninyo ‘yung chemistry ng new love team." Subaybayan ang isa na namang obra ng GMA, ang Langit Sa Piling Mo, weeknights bago mag 24 Oras. Pag-usapan si Mark sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Mark. Just text MARK (space) [Your message] and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper, text GOMMS (space) KATRINA (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.