Showbiz News

Ang Pilyang Kerubin

Kung kinilig kayo sa kanila sa 'First Time', lalo ninyong mamahalin ang tambalang Joshua Dionisio at Barbie Forteza sa pinakabagong prime time show ng GMA, ang 'Pilyang Kerubin'. Text by Loretta G. Ramirez, Photos courtesy of GMA Network Simula ngayong gabi, mapapanood na ang isa na namang original telefantasya mula sa GMA Network as it celebrates its 60th year in the business. A tale of hope, love and angels, siguradong kagigiliwan ninyo ang Pilyang Kerubin. Starring the hottest young love team of Barbie Forteza and Joshua Dionisio, tiyak na maraming magaabang sa dalawang ito na pinatunayan ang kanilang chemistry sa katatapos lang na show, ang First Time. “Sana subaybayan pa rin ng tao ang Pilyang Kerubin. Alam ko namang hindi kami pinapabayaan ng tao kasi ‘yung First Time, ‘yung suporta nila hindi ko akalain na ganun, ganun sila sumuporta sa amin kahit baguhan pa lang kami. Dito sana, ganun pa din,” ang sabi ni Barbie during the press launch of her new show. Idinagdag niya na kakaibang Barbie ang makikita ng mga tao dito sa Pilyang Kerubin. “Pilya ako dito na tomboyin. Kakaiba sa First Time na sweet-sweet ako, pa-cute cute lang... Dito, sobrang pilya ako na bawat salita ko, kailangan may galaw, may movement." Pero kung ibang-iba man ang character ni Barbie dito, pareho pa rin naman ang makakasama niya sa show, si Joshua Dionisio, who agrees that very different ang character ng kanyang ka-love team sa bago nilang show. “Si Barbie dito ibang-iba, makulit siya, maingay siya dito unlike sa First Time mahinhin siya," ang kuwento ng batang aktor. Isa pang dapat abangan sa show ay ang bago nilang kasama na si Elmo Magalona. “Kahit na naninibago ako kay Elmo, mukhang makakasundo namin siya dahil mukhang makulit din. Sa dressing room pa nga lang po, ang kulit-kulit na namin, e," ang pagtatapos na kuwento ni Barbie. Don’t miss the pilot episode of Pilyang Kerubin ngayong June 7 na sa GMA Telebabad. Pag-usapan ang bagong show ni Barbie, Joshua at Elmo sa pinagandang iGMAForums! Not yet a member? Register here!