Showbiz News

Balik-kontrabida sa drama si Katrina Halili

Katrina Halili returns as a kontrabida sa pinakabagong soap ng GMA, ang ‘Langit Sa Piling Mo’. Ano kayang pagbabago ang makikita natin kay Katrina this time around? Matagal-tagal din na hindi nakita si Katrina Halili ng mga viewers bilang isang kontrabida sa isang primetime drama. Sa kanyang pagbabalik kontrabida sa Langit Sa Piling Mo, ano kaya ang iba sa Katrina na mapapanood ng mga fans? “Pinaghahandaan ko po yung character ko,” shares Katrina. “Pinag-aaralan ko tapos syempre, kagaya nung ginawa ko dun sa Marimar, paghahandaan ko din.” Nagkaroon kaya si Katrina ng second thoughts sa pagtanggap sa kontrabida role na ito? “Hindi po kasi sinabi ko naman na drama, e drama naman po ang ibinigay sa akin,” sagot ni Katrina. “Ang iniiwasan ko lang naman e yung fantaserye muna. Kasi gusto ko ma-focus, at parang nawawala yung acting [kapag] puro light.” Kapansin-pansin naman na mas ganado si Katrina sa kanyang trabaho ngayong unti-unti na niyang nalalampasan ang kanyang mga pinagdadaanang pagsubok sa kanyang personal life. “Mas ready lang akong magtrabaho ngayon. Mas bumalik lang yung [drive],” kwento ni Katrina. “So ngayon, mas mapapaganda ko.” Muli niyang makakatrabaho dito ang kanyang kaibigan at original StarStruck Ultimate Male Survivor na si Mark Herras. Kamusta naman kaya ang kanyang experience working with Mark again? “Okay naman po kasi syempre mas sanay akong katrabaho si Mark dahil ka-batchmate ko siya [sa StarStruck],” she says. “Para kaming barkada dun sa taping.” Meanwhile, ito ang kanyang first time na makatrabaho si Heart Evangelista sa isang soap opera. Ano naman kaya ang kanyang naging first impression kay Heart? “Nakita ko na siya before sa Party Pilipinas . Mabait naman siya,” she reveals. Aside from the drama that she will be causing sa Langit Sa Piling Mo ay excited naman si Katrina sa isa pang bagay tungkol sa kanyang bagong role – ang fashion. Glamorosa ang kanyang character dito kaya naman maraming matutuwa sa mga magiging bihis niya dito. “Dapat nilang abangan yung mga damit ko doon,” she shares. If you want to know more about Langit Sa Piling Mo, o kung gusto niyong maki-bonding kay Katrina, make sure to log on today, June 8, 2010, dito sa iGMA.tv para sa kanyang first solo live chat! Mamayang 2 p.m. to 4 p.m. (Philippine time) ay personal na sasagutin ni Katrina ang inyong mga questions kaya naman ihanda niyo na ang inyong mga tanong for her. Just log on to www.igma.tv/livechat for details on this exclusive event. Pag-usapan si Katrina sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Katrina. Just text KATRINA (space) [Your message] and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) KATRINA (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.