Showbiz News

Ryza Cenon, daring at sexy sa kanyang new role

Isang mas daring at mas sexy na Ryza ang aabangan ng mga manonood sa kanyang pinakabagong role. Tuloy-tuloy na nga kaya ang pagpapasexy niya? Text by Karen de Castro. Photo by Connie M. Tungul. Sa pinakabagong role ni Ryza Cenon ay kakaibang Ryza ang makikita ng mga manonood. Ang kanyang character sa Langit Sa Piling Mo na si Joy Flores ay ang nawawalang kapatid ni Marj (played by Heart Evangelista ) na estudyante sa umaga at pole dancer sa gabi. Ito na nga kaya ang hudyat ng kanyang tuloy-tuluyang pagpapa-sexy on camera? “Hindi naman ibig sabihin na forever ko nang gagawin yung sexy role, hindi naman sa ganun,” says Ryza. “Siyempre kailangan ma-try mo rin yung iba-ibang klaseng role.” Hindi naman daw siya pinilit ng kahit kanino na magpa-sexy. “Pinag-isipan kong mabuti ito bago ako umoo,” kuwento niya. “Siyempre may mga limitations pa rin. Hindi kailangan na biglaan.” Anong mga preparations kaya ang kanyang ginagawa para sa kanyang mas daring na role na ito? “Sa screen talaga, sobrang chubby [ko], so kailangan talagang sa pagkain, medyo discipline muna,” she reveals. “Hindi pa ako nagte-train [for pole dancing] e. Hindi pa po tapos yung [taping sa] Gumapang [Ka Sa Lusak].” Makakatambal naman ni Ryza dito sa Langit Sa Piling Mo si Tonton Gutierrez. Hindi pa man sila nakakapag-tape ng kanilang mga scenes ay ibinahagi na ni Ryza kung ano ang maaasahan ng mga manonood from her scenes with the seasoned actor. “Meron kaming bed scene ni Mr. Tonton Gutierrez. Kissing scene, meron din. Hindi naman po siguro torrid kasi ang airtime nito, hapon, so hindi pwede yung mga sobrang sexy,”paglalahad niya. “Patay na patay po sa’kin si Tonton, pero ayoko po sa kanya. Ginagamit ko siya dahil sa pera lang.” Hanggang saan naman kaya ang limitations ng pagpapa-sexy na ito ni Ryza? “Hanggang boyleg lang po ako. Hindi po ako magtu-two piece or what,” sabi ni Ryza. Wala pa rin daw siyang balak na mag-cover sa FHM kagaya ng ibang mga nagpa-sexy na mga aktres. “Darating naman yun, time will come. Like ngayon, hindi niyo ineexpect na maggaganito ako, kasi I think this is the time para [tumaggap] ako ng role na ganito,” she shares. “Gagawin ko ito as an actress.” Mapapanood niyo si Ryza sa Langit Sa Piling Mo weekdays before 24 Oras on GMA 7. Pag-usapan si Ryza sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Ryza. Just text RYZA (space) [Your message] and send to 4627 for all networks. for MMS wallpapers, type GOMMS (space) RYZA (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.