
Game na game sa pagbigay ng house tour si Rocco Nacino!
Sa ulat ni Nelson Canlas ay nakausap nito si Rocco para kumustahin ang estado ng construction ng kanyang dream house.
Dahil sa naganap na community quarantine ay pansamantala umanong natigil ang pagpapagawa ng bahay ni Rocco. Ngayon ay balik na ulit siya sa pagbuo ng kanyang bahay kung saan tumutulong na rin siya sa ilang mga gawain.
Ipinakita ni Rocco and dining room, family hall, office at iba pang parte ng bahay.
Inamin rin ng aktor na nag-overnight na siya sa kanyang bahay. Gamit niyang kama ay ang kanyang dinadala umano sa taping ng Descendants of the Sun.
"Sa DOTS, ito 'yung pang-taping ko na kama. Okay naman maganda 'yung experience."
Kuwento pa niya, "Dito ako natulog for the first time kagabi. Masaya, natakot ako pero ano 'yun masaya, magandang experience."
Dahil umano sa pagpapagawa niya ng kanyang bahay, isang aral ang kanya umanong natutunan.
"Nagbago 'yung pananaw ko sa pera. Kung gaano kahalaga yung pag-iipon, pagtitipid, siyempre hindi pagiging kuripot pero 'yung tamang pagtitipid."
Rocco Nacino says his dad played significant role in his 'StarStruck' stint