What's Hot

Mel Tiangco, buong pusong nakikiisa sa serbisyong totoo ng GMA Kapuso Foundation

By Marah Ruiz
Published July 21, 2020 5:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Letran’s Ricardo laments 'ugliest quarter' of season in Game 1 loss vs San Beda
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

Mel Tiangco


Serbisyong totoo para kay Mel Tiangco ang mabilis na pagdadala ng ayuda ng GMA Kapuso Foundation sa panahon ng sakuna.

Sa pagdiriwang ng 70th anniversary ng GMA Network, muli nitong binibigyang-diin ang "serbisyong totoo."

Bukod sa pagbabalita, patuloy na nagkakapagbigay ng serbisyong totoo ang GMA Network sa pamamagitan ng GMA Kapuso Foundation.

"Tuwing may kalamidad, ang inyong GMA Kapuso Foundation ay nagmamadaling magtungo sa ground zero upang agad na maihatid ang ating ayuda," pahayag ni GMA Kapuso Foundation Founder and Ambassador Mel Tiangco.

"Pero hindi lang 'pag may sakuna, 'pagkat all year round tayong nagshe-share ng blessings. Sa GMA Kapuso Foundation, maasahan niyong makakataring ang tulong para sa Pilipino," dagdag pa niya.

Muli itong nasaksihan ang serbisyong totoo na ito sa panahon ng pandemic sa Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19 campaign ng GMA Kapuso Foundation na hanggang ngayon ay nagbibigay ng tulong sa mga medical frontliners sa pamamagitan ng paghahatid ng safety supplies para sa mga ito.

Kasama din dito ang pagbibigay ng ayuda tulad ng grocery packs para sa mga pamilyang naapektuhan ng lockdown ang kabuhayan.

Hindi rin napigilan ng pandemic ang ilang ongoing at yearly projects ng GMA Kapuso Foundation.

Mas maliit man ang naging operasyon dahil sa mas istriktong health and safety protocols, tuloy pa rin ang yearly blood drive na Sagip Dugtong Buhay.

Nai-turn over na rin ng GMA Kapuso Foundation ang ipinatayo nitong bagong school building at bagong stage sa Patani Elementary School sa Marawi City.

Bahagi ito ng Rebuild Dreams in Marawi project na naglalayong tumulong sa muling pagbangon ng Marawi matapos ang giyera dito noong 2017.

Sa mga nais pang mag-abot ng tulong, bumisita lang sa official website ng GMA Kapuso Foundation.