Showbiz News

Arnold Clavio, walang iwanan sa pagbabalita sa GMA Network

By Marah Ruiz

Binigyang diin ng broadcaster na si Arnold "Igan" Clavio ang walang-sawang paghahatid ng balita ng GMA Network sa ano mang panahon at sitwasyon.

Isa ito sa mga pangako ng GMA Network na kasalukuyang nagdiriwang ng ika-70 anibersaryo nito.

"Nasaan man kayo at ano man ang sitwasyon, sinisiguro naming kami ay inyong makakasama," pahayag ni Igan.

Gamit ang iba't ibang media tulad ng telebisyon, radio at online, ipagpapatuloy ng GMA ang paglilingkod sa taumbayan.

"Sa araw-araw na pagtatrabaho, pagbiyahe, sa panahon ng sakuna, kayo ay patuloy naming aabutin at paglilingkuran," aniya.

Patuloy rin ang GMA sa paghahatid ng wastong impormasyon lalo na sa panahon ng fake news.

"Dito sa GMA, ano man ang panahon, kami ay buong pusong maghahatid ng mga impormasyong dapat ninyong malaman," bahagi ni Arnold.

Si Arnold ang isa sa anchors ng late night news program na Saksi kasama si Pia Arcangel.

Bukod dito, host din siya ng radio program na Dobol A sa Dobol B kasama si Ali Sotto na umeere naman sa istasyong DZBB.

Napapanood din siya bilang host ng mga programang Unang Hirit, Alisto, at Tonight with Arnold Clavio.