Showbiz News

Ang mga revelations ni Katrina Halili

Kakaiba ang naging experience ni Katrina Halili sa iGMA Live Chat last Tuesday, June 8, 2010. Anu-ano nga ba ang mga naging revelations niya afternoon? Naging very eventful ang first solo live chat ni Katrina Halili. Aside from the usual chat kasi with her fans ay nagkaroon siya ng dalawang very interesting question and answer portions, one in the form of the game na inihanda ng iGMA para sa kanya, and another na naganap sa tulong ng kanyang kaibigan at Chika Minute reporter na si Nelson Canlas. Kung sa kanyang show na Langit Sa Piling Mo ay nagtataray siya gabi-gabi, ibang Katrina ang naki-bonding sa mga tao sa kanyang chat dahil ang Katrina na ito ay very bubbly at happy. Anu-ano nga ba ang mga naitanong kay Katrina on that day? “Kamusta ako, kamusta yung Langit Sa Piling Mo, kamusta katrabaho si Heart [Evangelista], si Mark [Herras], mga ganun,” says Katrina. But of course, hindi naman ganoon naging kasimple ang mga tanong. Karamihan sa mga tanong ng mga fans ay naging daan para magbigay ng mga revelations si Katrina. Nabanggit ng isang chatter ang tungkol sa first kissing scene nila ni Mark. Ano nga kaya ang kanyang naramdaman noong first kissing scene nila? “Siguro nung take, masaya, pero nung cut, wala na,” she said. Ayon sa kanya, trabaho lang daw ito kaya wala siyang naramdaman. Ngunit on camera, may pahabol na comment si Katrina tungkol dito na siyang nagpakilig sa mga chatters. “Masaya and masarap kasi fineel mo e, in character, ‘di ba?” she revealed. Sa game naman, itinanong kung ano ang kanyang naging pinaka-memorable na experience with Mark. “Marami kaming pinagsamahan ni Mark. StarStruck, Joyride, Super Noypi,” sagot niya. “Sweet din siya, pero mas sweet ako sa kanya,” pagbibiro pa niya. May nilinaw naman si Katrina na issue na matagal na niya diumanong gustong linawin. “Sasabihin ko pala, ‘di ba bati kami ni Marian [Rivera]? Baka sabihin niyo po inaway ko siya nung MariMar. Hindi po talaga kami nag-away. Kahit matagal na po yun, gusto kong i-clear ngayon. Hindi ko po siya inaway, hindi po kami nag-away, pinag-away lang po kami.” Naungkat naman ang usapan tungkol sa kanyang love life mangilan-ngilang beses throughout the chat, dahil maraming chatters ang nagtatanong kung kamusta na ang love life ni Katrina. But the most interesting part came nang sinamahan siya ni Nelson Canlas at tinanong about Kris Lawrence. Ano na nga ba ang lagay ng relationship nila ngayon? “Friends po kami ni Kris. Sa ngayon lang talaga, focused lang po talaga ako sa sarili ko,” revealed Katrina. “Isang araw, nagising lang po ako na parang, ‘Ay, matanda na pala ako.’ Kaya gusto ko magfocus sa sarili ko.” Marami pang sinagot na mga katanungan si Katrina Halili, kaya naman make sure na aabangan niyo dito sa iGMA.tv ang kanyang webisode, which will be available soon. In the meantime, basahing muli ang kanyang chat transcript para malaman ang iba pang mga katanungan na sinagot ni Katrina. Abangan din ang exclusive photos from this event, which will be available soon! Pag-usapan si Katrina sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Katrina. Just text KATRINA (space) [Your message] and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) KATRINA (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.