Showbiz News

Mark Herras, handa na bang mag-asawa?

Nagkuwento si Mark Herras recently tungkol sa kanyang relationship with Ynna Asistio. Kamusta kaya ang kanyang love life? Handa na kaya siyang lumagay sa tahimik? Hindi man tinatantanan ng issues si Mark Herras lately ay patuloy pa rin ang pagdating ng mga blessings. Maganda ang takbo ng kanyang career, and he recently started sa kanyang lead role sa Langit Sa Piling Mo . Patuloy naman ang pagsuporta ng kanyang girlfriend na si Ynna Asistio. at ng pamilya nito para sa kanya. Kaya naman simple ngunit malaman ang kanyang pagpapahayag ng kanyang nararamdaman sa ngayon, both about his career and about his relationship with Ynna. “I’m happy,” shares Mark. Aminado si Mark na in the past relationships that he’s had ay dumaan siya sa pagiging playful na boyfriend. Masasabi ba ni Mark na faithful siyang boyfriend kay Ynna ngayon? “Siguro masasabi ko lang na nasa tamang edad na ako para umarte ng tama,” kuwento niya. “Tapos na ako dun [sa paglalaro]. Lahat naman ‘yan, mapagdadaanan ‘yan e, imposibleng walang lalaki na dumaan sa ganun.” Dagdag pa niya, “Hindi ko na kailangang gumawa ng mga kalokohan o kung ano mang katarantaduhan. Wala namang point e.” Ngunit edad nga lang ba ang naging factor para mag-mature ang approach ni Mark sa relationships, o may role kaya si Ynna sa pagma-mature niya na ito? “Sama-sama na po siguro yun, at ayoko pong magsalita ng tapos. Pero yung saya ko po ngayon, hindi ko po siya kino-compare. Hindi ko siya kino-compare kahit kanino man o kahit anong relationship na nakuha ko pero I’m happy.” Masaya naman ba siya sa iba pang mga blessings na patuloy na dumarating sa buhay niya ngayon? “I’m contented kung anong meron ako ngayon. Ang dami kong projects na ginagawa. Andiyan yung family ko, andiyan yung family nina Tita Nadia. Wala akong reason para gumawa ng kung ano man.” Dahil naman maganda ang takbo ng relationship niya with Ynna, handa na kaya siyang lumagay sa tahimik anytime soon? “Hindi pa. Kapag may mansiyon na ako,” pagbibiro ni Mark. “Hindi ko pa masasabi pero alam ko na hindi pa ito yung right time. Nasa stage pa ako na siyempre, ayokong mawala ito e. Ayokong mawala itong opportunity na ito, ayokong mawala itong mga projects na bigay sa’kin ng GMA. Ayokong mawala ito ng basta-basta. Ayokong isang pitik, mawawala na lang. Kaya ayoko munang isipin ang pag-aasawa kasi andiyan lang ‘yan e. Itong showbiz, hindi habambuhay,” sagot ni Mark. “As long as stable na ako, as long as alam kong kaya ko na, bakit hindi?” Sa kasalukuyan ay mapapanood si Mark sa Langit Sa Piling Mo weeknights bago mag-24 Oras on GMA. Pag-usapan si Mark sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Mark. Just text MARK (space) [Your message] and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) MARK (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.