Showbiz News

Mga pelikulang pinagbidahan nina Lovi Poe at Rhian Ramos, mapapanood na sa Netflix

By Aaron Brennt Eusebio

Kung nagustuhan ninyo ang Through Night and Day na pinagbibidahan nina Paolo Contis at Alessandra de Rossi, siguradong matutuwa kayo dahil dalawa pang pelikulang Pilipino ang mapapanood sa Netflix ngayong Agosto.

Simula Agosto 4, mapapanood na ang pelikula ni Lovi Poe na Hindi Tayo Pwede na ipinalabas noong Marso bago magdeklara ng community quarantine.

Lovi Poe-starrer film 'Hindi Tayo Pwede' is coming to Netflix on August 4. (Photo source: TBA Studios Facebook page)

Kasama ni Lovi sa pelikulang isinulat ng batikang playwriter na si Ricky Lee sina Marco Gumabao at Tony Labrusca.

Panoorin ang trailer ng Hindi Tayo Pwede:

Sa August 13, mapapanood naman ang pelikulang Kung Paano Siya Nawala na pinagbidahan nina Rhian Ramos at JM De Guzman.

Rhian Ramos and JM De Guzman's 2018 film 'Kung Paano Siya Nawala' is coming to Netflix on August 13.

Ginagampanan ni Rhian ang karakter ni Shana samantalang si JM naman si Lio. Umiikot ang kuwento sa pagitan nina Lio, na may kakaibang sakit na face blindness, at ni Shana, na tutulungan si Lio sa kanyang kondisyon.

Panoorin ang trailer ng Kung Paano Siya Nawawala:

Bukod diyan, mapapanood din sa Netflix ang Tayo sa Huling Buwan ng Taon ng TBA Studios at ang Love the Way U Lie ng Viva Films na kasali dapat sa 2020 MMFF Summer Film Festival.