Showbiz News

Max Collins sa first-time moms: 'Don't feel guilty for finding time for yourself'

By Dianara Alegre

Isa si Kapuso leading lady Max Collins sa mga first-time moms na nangangapa rin pagiging buhay mommy, na tila mas pinahirap ngayon dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Isinilang ni Max ang baby boy nila Pancho Magno na si baby Skye Anakin nitong July 7 sa pamamagitan ng water birth. At matapos lamang ang dalawang linggo, ay muli nang nagbalik sa pagwo-workout ang aktres.

Marami ang nagulat sa impressive na lakas ni Max, lalo na ang mga kapwa niya celebrity moms, dahil kadalasan ay ilang buwan ang ginugugol bago tuluyang maka-recover sa panganganak.

Ayon naman ka Max, may go signal siya ng doktor na magsagawa ng mga light stretches dahil wala siyang natamong tear nang manganak.

Ngunit sa kabila nito, ibinahagi ni Max na nahihirapan pa rin siya at nag-a-adjust sa bago niyang sitwasyon.

“It's still hard pa rin but I'm getting the hang of it now and I'm finding time for myself kahit one hour lang. But then one hour still makes a difference,” aniya.

Inamin din aktres na tulad ng ibang mommies na kapapanganak lang, nakararamdam din umano siya ng post-partum blues.

“Sometimes I feel sad. I notice that the post-partum blues hits me when I haven't exercise or not moving much. Kasi siyempre nagpapadede lang ako and nasa kama lang ako the whole day,” dagdag pa niya.

Source: maxcollinsofficial (IG)

Samantala, pinayuhan niya ang mga kapapangaanak lamang na mommies na subukan ding mag-exercise ngunit dapat ay aprubado ito ng doktor.

“First, check with your doctor. Kasi kapag hindi pa time, 'wag i-push and don't be afraid to do light stretches because it helps a lot with the endorphins, the happy hormones. Also, don't feel guilty for finding time for yourself.

“Skye's pediatrician told me na a happy mommy, makes a happy baby. So, kapag hindi ka happy, your overall health hindi mo inaalagaan 'yung sarili mo then how will you take care of your child?” sabi pa ni Max.

Kamakailan ay binigyang-diin ng aktres ang kahalagahan ng paglalaan ng oras ng mga ina o “me time” sa kanilang mga sarili.