Showbiz News

Bianca Umali, ipinagtanggol ng netizens sa negative comments

By Maine Aquino

Agad na ipinagtanggol ng mga netizen si Bianca Umali pagkatapos mag-trend ang kanyang recent Instagram photo.


Sa kanyang larawan, ipinakita ni Bianca ang kanyang tila fresh out of the shower look kung saan nakasuot siya ng red lipstick.


Kapansin pansin umano ang pagpayat ni Bianca ngunit negatibo ang naging komento ng mga netizen. Dahil dito, may mga nagtanggol sa kanya sa social media dahil sa masasakit na salitang ibinato sa Kapuso star.

Ayon kay @estefaneng, nakakalungkot na puro kababaihan ang nagsasabi ng masakit na salita kay Bianca.

"just noticed some gurls who always post abt 'Women Empowerment' on social media threw degrading words on bianca umali's new look, calling her laspag and tuyot. btch, the hypocrisy, ewww. kadiri kayo."


Tungkol naman sa paglaban sa women empowerment ang naging komento ni @imsuperaries.

"Not a fun but I felt unhappy as I read the comments of Bianca Umali's IG post, it made me realize how pitiful those people labelling her as "LASPAG." You fought for women empowerment but degrade Bianca Umali instantly, you are idiots. #respect #biancaumali"


Tungkol naman sa body positivity and self-esteem ang tweet ni @MaryAnn0799

"How ironic some girls are into body positivity and boosting self esteem and yet they are the one who will judge and bash u. So sad of Bianca Umali she dont deserve that kind of bashing. Sabi nga her body her choice. Grow up kiddo change ur mindset for the better."


Agad ring dumipensa si Ruru Madrid para kay Bianca.


Saad ng aktor, "I don't know what's wrong with people right now? Parang ang dami laging opinyon ng mga tao. Sa totoo lang mas masakit na kung sino pa 'yung mga kababayan o di kaya mga kalahi natin sila pa 'yung nag da-down sa atin. Sana wala ng ganun, sana sinusuportahan na lang natin ang isa't isa."

Bianca Umali sings 'Kahit Kailan' live on Unang Hirit

Bianca Umali, naka-online date ang lalaking malapit sa kanyang lola