Showbiz News

Barbie at Joshua, nagbabalik sa iGMA Live Chat

Paganda ng paganda ang istorya ng Pilyang Kerubin at hindi maikakaila na marami ang nagaabang sa mangyayari kay Charity at sa kanyang misyon sa lupa. Pero, ang higit na inaabangan ng mga manonood ay ang tambalang Barbie Forteza at Joshua Dionisio na talaga namang isa sa mga sikat na love teams ngayon. Kamaikailan lang ay nagkaroon ng mall show sa Tarlac ang cast ng Pilyang Kerubin sa pangunguna nina Barbie at Joshua. Nagulat ang dalawang young stars sa dami ng tao na dumating upang suportahan sila. "Thank you po sa lahat ng tumiis ng init at ng sikip para lang makita kami. Sinabi ko sa sarili ko na itong mga taong ito umaasa sa amin, ito na gabi-gabi na pinapanood nila kami…hinding-hindi namin sila bibiguin," ang pahayag ni Barbie Forteza during the event. Maging sa Internet, marami sa mga fans ang nagpapahayag ng suporta sa young love team nila ni Joshua Dionisio. Kaya nga ng malaman ng mga fans na babalik sila sa iGMA Live Chat today, June 24, 2010, marami sa kanila ang na-excite sa upcoming event. They first joined the iGMA Live Chat last March 24 matapos silang i-launch as lead stars sa prime series na First Time. Dumagsa ang mga tanong, comments and messages online, patunay sa kanilang tuluy-tuloy na pagsikat. Sa kanilang pagbabalik sa live chat hot seat, tiniyak ni Joshua na pipilitin nila na sagutin lahat ng mga chatters sa abot ng kanilang makakaya. "Kasi po 'yung una naming chat hindi pa namin alam ang gagawin namin, pero ngayon alam na namin," ang natatawang kuwento sa iGMA ng batang aktor. Suportahan ang pagbabalik sa iGMA Live Chat nina Barbie at Joshua ngayong Thursday, June 24, 2010, from 2 p.m. to 4 p.m. (Philippine time). Visit igma.tv/livechat for details. -- Text by Loretta G. Ramirez, Photos courtesy of GMA Network Pag-usapan ang tambalang Barbie at Joshua sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Barbie and Joshua thru Fanatxt. Just text BARBIE or JOSHUA (space) [Your message] and send to 4627 for all networks.Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.