Showbiz News

Aljur Abrenica, mami-miss si Kris Bernal

Magtatapos na ang ‘The Last Prince’ ngayong gabi, at kasabay nito ay maghihiwalay na ng landas sina Aljur Abrenica at Kris Bernal. Makaapekto kaya ito sa kanilang closeness off-cam? Ngayong gabi ang final episode ng telefantasya na The Last Prince . Recently ay ipinahayag ni Aljur Abrenica ang kanyang kalungkutan sa pagtatapos nito, dahil ito daw ay naging malaking parte na ng kanyang buhay. “Ito po yung first lead ko sa primetime na ibinigay po sa akin ng GMA. Malaking pasasalamat ko sa GMA na ibnigay po sa akin itong The Last Prince,” shares Aljur. “So nalulungkot po talaga ako.” Nagkuwento si Aljur tungkol sa buhay after The Last Prince. Nanibago daw siya nang magtapos ang kanilang taping last June 14. “Ang feeling ko ngayon parang ‘di normal e. Dahil nasanay ako parang MWF parang, nagising ako kanina, 7am. Late na ako natulog pero nagising ako ng mga 7. Feeling ko magte-taping ako,” kuwento niya. “Ganun na talaga, ganun ko na talaga na-adapt yung sistema ng taping ng The Last Prince. So kanina, parang wala akong ginagawa, sabi ko, ‘Nababato ako.’ So mamimiss ko talaga.” Pagkatapos ng The Last Prince ay pansamantalang matitigil ang tambalan nina Aljur at ng kanyang ka-love team ng three years na si Kris Bernal Gaano na nga ba talaga ka-close sina Aljur at Kris in the three years na magkatambal sila? “Madalas kong nababanggit na ang turing ko kay Kris ay parang kapatid na talaga. Sobrang close ko na,” he says. Maapektuhan ba ang kanilang closeness ngayong magtatapos na ang kanilang show together? “Hindi naman po mangyayari na mapuputol talaga yung connection namin ni Kris. Siyempre mamimiss ko rin po siya. Tagal din e, three years po kaming magkasama. And hindi po ako papayag na maputol yung connection namin sa isa’t-isa.” Hindi naman ba siya nagseselos sa bagong katambal ni Kris na si Daniel Matsunaga, na nagpapakilig kay Kris ngayon? “Saludo naman ako sa taong yan [Daniel] dahil nakatrabaho ko po siya, talagang mabait, talagang professional po, at sa looks naman talagang kikiligin ka naman talaga kung isa kang babae ‘di ba, matangkad, guwapo,” shared Aljur. “Wala, wala akong masabi, okay lang yun, natural lang po yun.” Panoorin sina Aljur and Kris sa huling gabi ng The Last Prince tonight, after Pilyang Kerubin . Pag-usapan si Aljur sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Aljur. Just text ALJUR (space) [Your message] and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) ALJUR (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.