Showbiz News

Marian and Dingdong's 'Endless Love'

Marami ang nag-abang sa pagbabalik tambalan ni Marian Rivera at Dingdong Dantes sa telebisyon, at ngayong nag umpisa na ang Pinoy adaptation ng sikat na Koreanovelang Endless Love, inip na inip na ang mga manonood na mapanood sila. Text by Loretta G. Ramirez. Photo courtesy of GMA Network. Portraying the Pinoy Johnny and Jenny, Dingdong Dantes and Marian Rivera bring to life the main characters of this tragic love story that captured the hearts of viewers when it first aired years ago sa GMA-7. Ano ang dapat abangan ng mga manonood sa real-life couple? “Siguro bukod sa eagerness na maka-partner namin ang isa’t-isa at ‘yung gusto naming gumanap uli sa isang drama. Talagang napakaganda na ng storya plus alam nating very successful ito dati nung ipinalabas dito. So with all those combined plus a powerful cast at ang reunion namin si Direk Mac Alejande dito, siguradong very interesting talaga, kakaibang timpla naman ito,” kuwento ni Dingdong sa press during the special screening of Endless Love. Since heavy drama ang bagong prime time series ng GMA, hindi ba naninibago si Marian whose recent projects were mostly romantic-comedy? “Oo ang tagal ko na kasing hindi nasalang sa drama so ito ‘yung pagkakataon ko uli para mag-drama so excited ako although ang hirap talaga ng character ni Jenny pero kakayanin,” ang tila nangangakong sabi ng Prime time Queen ng GMA. Isa pang inaabangan ng mga viewers kina Marian at Dingdong ay kung may nabago sa kanilang chemistry on screen dahil ito ang first TV project nila mula nang umamin sila sa kanilang relasyon. Did this affect their working relationship sa Endless Love? “Kakaiba ‘yung feeling because matagal kaming hindi nagsama and siyempre pag magkasama kami sa eksena hindi lang feeling of being a co-actor, but siyempre may concern din...so ang sarap ng pakiramdam. So at least ‘yung love is genuine. Because ‘yung love ko sa kanya off-cam most of the time translates eh. Kaso nga lang ang role namin dito eh magkapatid,” ang natatawang sabi ni Dingdong. Totoo namang nakakakilig ang pahayag na ito ni Dingdong, pero hindi nagpatalo si Marian dahil ng mag-imbita siya on camera, ito ang nasabi niya: “Manuod kayo ng Endless Love at mai-inlove uli kayo…Katulad ko!” Huwag palampasin ang unang pagkakataong makita muli ang tambalang Marian at Dingdong sa telebisyon dahil malapit nang lumaki ang characters ni Johnny at Jenny sa Endless Love. Subaybayan ang love story nina Johnny at Jenny sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Pilyang Kerubin. Pag-usapan ang bagong show nina Marian at Dingdong sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here! Get Endless Love updates from Marian and Dingdong thru their Fanatxt service. Text MARIAN or DINGDONG and send to 4627. Telco charges apply. This service is available only in the Philippines.