Showbiz News

Netizens, na-excite sa bagong handog ng GMA na GETS!

By Cara Emmeline Garcia

Bongga ang promotion ng GMA Network para sa pinakabagong handog nito, ang GMA Entertainment Shows Online o GETS!

Sa All Out Sundays ngayong August 2, bumida ang iba't ibang bigating stars tulad nina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, Carla Abellana, Tom Rodriguez, Heart Evangelista, Glaiza de Castro, at marami pang iba sa pag-promote nito.

Kaya naman sa Twitter, all out din ang excitement ng fans dahil certified trending ang “#AllOutSundays” at “#GETS” ilang minuto lamang pagkatapos i-anunsyo ito sa telebisyon.

Sagot ng marami sa promotion, “Gets ko!”

Basahin ang ilang reaksyon ng fans sa social media site:

Sa GETS mapapanood online, on-demand, at 24/7 ang iba't ibang exclusive digital content mula sa GMA shows at Kapuso stars.

Kabilang diyan ang comedy capsules ng YouLol, short films mula sa GMA TeleBahay, at ang masasayang kulitan sa AOS at Home Party.

Dito rin mapapanood ang ilang online game shows tulad ng Quiz Beh at E-Date Mo Si Idol, at talk show tulad ng Just In at How Do You Feel.

Kung drama naman ang hanap niyo, mapapanood din sa GETS ang online presence ng GMA Drama shows tulad ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday vlogs, Prima Donnas Watch From Home, DOTS How You Do It, at Let's Talk About Love ng Love of My Life.

Mapapanood ang mga ito sa www.GMANetwork.com/GETS.