Showbiz News

It’s Ritchie Paul's turn to stand out

It’s Ritchie Paul Gutierrez’s time to stand apart from his siblings habang ipinapakita niya ang kanyang talento sa ‘Pilyang Kerubin’. Kamusta naman ang kanyang experience so far? Hindi na bago sa showbiz si Ritchie Paul Gutierrez. Kabilang siya sa angkan ng mga Gutierrez na kinikilala at nirerespeto sa industriya. Lumabas na rin siya bilang isang guest sa Filipino version ng Zorro. Ngunit ang kanyang pagiging parte ngayon ng Pilyang Kerubin ang kanyang kauna-unahang project kung saan isa siyang regular member ng cast. Kamusta naman ang kanyang experience so far? “It’s been fun so far, so far so good. They said I was doing good, so that’s a good feeling,” shares RP. Dito sa Pilyang Kerubin ay gumaganap siya bilang si Lito, ang partner ni Arman sa pulisya. How does he feel working with Raymart Santiago, who plays Arman? “Medyo intimidating, siyempre medyo veteran na [siya] na guy e,” he admits. “Pero okay din, kasi tinutulungan din niya ako in a way. Kasi what you do with that guy, that means you’re gonna get better so I’m looking forward to working with him this whole season to get better.” Meanwhile, ito rin ang kanyang kauna-unahang project kung saan hindi niya makakasama ang sinuman sa kanyang mga kapatid. How does he feel about this? “It feels kinda weird kasi yung first ko, andun si Chard [Richard Gutierrez ], si Elvis, si Rocky, parang family lang. So I’m looking forward to doing this by myself,” he reveals. But what sets him apart from his other siblings? “Mas bata ako,” he jokes. Ngunit ayon sa kanya, his music sets him apart from his brothers, particularly kay Richard. “Yeah, he’s [Richard] into music too, but I make my own music,” paglalahad ni RP. “[Ang] genre ngayon is parang experimental. Dati hip-hop, talagang pure hip-hop, ngayon medyo nagiging experimental.” So maaasahan din ba ng mga manonood na lalabas siya sa Party Pilipinas anytime soon? “Probably, probably, if they want me there,” says RP. Sa ngayon ay mapapanood si RP sa Pilyang Kerubin, weeknights on GMA Telebabad. Pag-usapan si Ritchie Paul sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!