Showbiz News

Lolit Solis, inalala ang kanyang idol na si Eddie Ilarde

By Aedrianne Acar

Walang patid ang pagbibigay-pugay sa Super Radio dzBB anchor at dating senador na si Eddie Ilarde, na pumanaw sa edad na 85 nito lamang August 4.

Screenshot taken from Arnold Clavio's Instagram account

Isa sa nagbigay ng tribute sa radio broadcasting icon ang showbiz talk show host at entertainment columnist na si Lolit Solis na inalala ang yumaong Student Canteen host.

“Isa na naman Icon ang nawala Salve sa pagkamatay ni Eddie Ilarde. Poste ng Student Canteen, at Kahapon Lamang Kuya Eddie.”

Sabi ni Manay Lolit na sobrang sikat noon ni Kuya Eddie at tandang-tanda pa niya noong hinahabol pa nila ito para makapagpa-autograph.

Wika niya, “Sa generation namin isa siya sa idol sa tv at radio, talagang hinahabol habol namin pagkatapos ng Student Canteen para magpapirma ng autograph.

“Iyon tandem nila ni Leila Benitez at Bobby Ledesma ang pinakasikat that time.

"Kaya hindi kataka-taka na naging senador at congressman si Eddie Ilarde. Goodnight and rest in peace mr. Eddie Ilarde. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako.”

Ilan pa sa nagbigay tribute kay Eddie Ilarde ang anak niya na si Liza Ilarde at GMA News pillar na si Arnold Clavio.

Radio personality Eddie Ilarde passes away at 85

IN PHOTOS: Celebrities and personalities who passed away in 2020