Showbiz News

Bitoy, loyal Kapuso pa rin

Nagkuwento si Michael V. recently tungkol sa ‘Pepito Manaloto’, at nagsalita na rin siya tungkol sa bali-balitang aalis na raw siya sa Kapuso network. Masaya si Michael V. sa takbo ng kanyang career. Busy siya ngayon with his long-running show Bubble Gang , and nito lamang Lunes ay muli siyang nagbalik with Hole In The Wall . Nakadagdag din sa kanyang kasiyahan ang nagiging success ng kanyang reality sitcom na Pepito Manaloto . Maliban kasi sa mga ratings ay ang mga fans mismo ang nagpaparating kay Bitoy ng kanilang appreciation para sa kakaibang show na ito. “Maraming feedback, actually. Number one source ko is the internet. So yung mga reviews lang, yung mga blogs, natutuwa sila,” kuwento ni Bitoy. Nagustuhan daw nila ang kakaibang format ng show. “May magazine na dating [yung show]. Pero at the same time, ang puso niya, ang pinaka-soul niya,ay sitcom,” he says. Ano pa kaya ang maaasahan ng mga manonood dito sa Pepito Manaloto? “More discovery at saka yung potential danger ng pagiging isang sikat at kilalang indibidwal,” shares Bitoy. “Kasi ngayon nakilala na siya e, dahil na-expose na siya dahil sa nagawa niyang pagligtas e. So ano na ba ang gagawin mo ngayon bilang isang Pepito Manaloto na maraming nakakakilala na nanalo ng gano’n kalaking halaga.” Samantala, sa kabila ng kanyang tinatamasang success at sa dami ng kanyang projects sa GMA, kalat pa rin ang mga bali-balita na napirata na raw si Bitoy ng kabilang istasyon upang maging host ng kanilang noontime show. Gaano naman katotoo ang mga balitang ito? “Hindi, never, especially at this point,” sagot niya. “May mga shows ako e.” Ano naman kaya ang kanyang naging reaksiyon nang malaman niya ang tungkol sa balitang ito? “Nakita ko nga yun na parang blind item sa Inquirer. [Sabi doon] top comic, pero hindi ko nga maisip na ako kasi nagpunta lang ako ng Amerika ng isang buwan, [tapos] pagbalik ko, parang ‘Ay, hindi ako ito’,” reveals Bitoy. “Iniisip ko nga kung sino yun e.” Ngunit nakatanggap ba siya ng offer mula sa kabilang istasyon? “Ang sinabi dun [sa blind item] is okay na yung deal e, na biglang na-dissolve. E wala namang deal at all,” paglilinaw niya. Pag-usapan si Michael V. sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Michael V. Just text MICHAELV (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) MICHAELV (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.