Showbiz News

Miguel Tanfelix, gustong panatilihing pribado ang status ng kanyang love life

By Aaron Brennt Eusebio

Gustong panatilihing pribado ng aktor na si Miguel Tanfelix kung ano man ang estado ng kanyang love life ngayon.

Nahihilig magbasa ng psychology books si Miguel ngayong quarantine, pero hindi siya mahilig sa romance dahil mas gusto niyang ma-in love sa personal.

“Secret,” natatawang sagot ni Miguel nang tanungin ni Lhar Santiago sa '24 Oras' kung mayroon siyang love life.

“It's a yes and it's a no, kayo na po bahala.

“Mas gusto ko pong siguro private na lang po 'yun. Ayoko po magsalita about my private life.”

Source: migueltanfelix_ (IG)

Kamakailan ay nakita na ng publiko ang kanyang latest endorsement kung saan isa na siya sa mga ambassador ng international clothing line na H&M.

Inamin din ni Miguel na may bago na siyang programa sa GMA kung saan nag-script reading na sila upang mas makilala pa ang kanilang character.