Showbiz News

Gil Cuerva, napapaisip kung tama bang pumasok siya sa showbiz

By Maine Aquino

Aminado si Gil Cuerva na may mga pagkakataon na napapaisip siya kung tama ba ang tinatahak ng kanyang showbiz career.

Sa ginanap na Kapuso Brigade Zoomustahan, ibinahagi ni Gil ang kanyang nararamdaman tungkol sa kanyang buhay bilang artista.

Ayon sa Taste Buddies host, minsan ay naiisip niyang tama ba na nasa showbiz siya ngayon.

Kuwento ni Gil, "Tao lang naman kami, kaming mga artista. We have rough days and many times napapaisip ako na tama ba itong career ko? Tama ba itong showbiz para sa akin?"

Kapag nakakabasa umano siya ng comments lalo na mula sa fans, gumagaan ang kanyang pakiramdam.

"Every time may nababasa akong comment or tweet or post about me, parang it makes me feel like na-a-appreciate ako, na may mga taong sumusuporta sa akin."




Pagpapatuloy ni Gil, "A lot of it is because of you guys, Kapuso Brigade. Karamihan sa inyo ay active sa social media, nagtu-tweet, nagpo-post, nagta-tag. It makes me feel like nasa tamang direksyon ako. Nasa tamang career."

Ayon kay Gil, nagpapasalamat siya sa mga taong sinusuportahan siya sa kahit ano mang proyektong gawin niya.

"There are people rooting for me to do well. So maraming salamat talaga. Thank you for your usual support. I wouldn't have made it this far kung wala kayo."

Gil Cuerva, sinagot kung walang daya ang photos sa kanyang underwear campaign

#FlashbackFriday: Gil Cuerva performs 'Is it Love?'