Showbiz News

Aiai Delas Alas, may mensahe para sa kaarawan ni Marian Rivera

By Cherry Sun

Napabalik-tanaw si Aiai Delas Alas sa kanilang pagkakaibigan ni Marian Rivera sa kaarawan ng Kapuso Primetime Queen.

Ngayong araw, August 12, ipinagdiriwang ni Marian ang kanyang 36th birthday. At bilang kanyang pagbati, gumawa ng maiksing video si Aiai kalakip ng kanyang mensahe para sa kanyang "kambal."

Sambit ni Aiai, “Happy birthday sa aking kambal, kay Kung Fu Divas, at ang aking kumare sa inaanak kong si ate Z na magandang kagaya ko .. Habang tumitingin ako ng pictures natin ang tagal na pala ng pinagsamahan natin. Madami ka nang na-witness sa buhay ko na kung ano ano .. haha basta happy birthday kambi. More blessings pa sa'yo kahit nasa'yo na lahat .. Have a blast. God bless you more and more. Labyu.”

Happy birthday, Marian!

IN PHOTOS: Get to know Marian Rivera off camera