GMA Logo John Regala gets discharged from hospital
What's Hot

John Regala, nakalabas na ng ospital

By Cherry Sun
Published August 13, 2020 12:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 19, 2025
Davao City expands incentives to attract more investors
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

John Regala gets discharged from hospital


Good news! Patuloy ang pagbuti ng kondisyon ni John Regala. Alamin ang buong update tungkol sa dating action star dito.

Nitong Miyerkules, August 12, nakalabas na mula sa ospital si John Regala.

John Regala gets discharged from hospital

Ang mabuting balita na ito ay mula sa update ng entertainment writer at talent manager na si Aster Amoyo tungkol sa lagay ni John. Matatandaang nagtulong-tulong sina Aster, Nadia Montenegro, at Chuckie Dreyfus para sa pagpapagamot ng kanilang kasamahan sa industriya.

Makikita sa kanyang Facebook post kahapon ng hapon ang mga litrato ni John nang lumabas ito sa ospital.

Ani Aster, “After eight days of confinement at the National Kidney and Transplant Institute (NKTI), actor John Regala is now homebound. Praying that he continues to get better everyday. Many thanks to all those who donated and helped John on his way to recovery.”

Ayon din sa kanyang naunang post, nakausap ni John ang kanyang anak na nasa Amerika. Nakakatanggap din daw ang dating aktor ng suporta mula sa kanyang dating asawa.

Nitong July 2020, naging viral si John matapos mapansin ng isang netizen na nanghihingi ito ng tulong sa gilid ng kalsada. Ang dating action star ay may liver cirrhosis at iba pang health complications.