Showbiz News

Gloc-9: 'Music is for everybody, mayaman o mahirap.'

By Dianara Alegre

Ipinahayag ng rapper na si Gloc-9 ang kanyang opinyon tungkol sa isa sa mga pinag-uusapang isyu ngayon sa music industry, oportunidad na naibibigay sa mga kilala at mga ordinaryong artist.

Naungkat ang usapin nang mag-trending sa Twitter kamakailan ang umano'y pagbatikos ng R&B artist na si Jason Dhakal sa awitin na “Hate” ni Michael Pacquiao, na anak nina boxer-politician Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao.

Iginiit ni Gloc 9, “Music is for everyboday! Mayaman man o mahirap, kilala man o hindi.

"Maaaring mas madali para sa iba dahil mas may resources sila pero hindi ito ang basehan kung sino ang mas karapat-dapat.

“Ang tanong ay kung gaano mo ito kamahal at pagtatrabahuhan. Kaya mo ba itong ipaglaban kahit mahirapan ka at tila walang pumasin sa 'yo o kapag parang walang nangyayari ay tatalikuran mo?

“Lagi nating tatandaan na sa kahit ano mang inaasintang pangarap kapag umayaw ka, doo ka lang matatalo. Laban! Tumba! Tayo! Laban ulit!”

Samantala, bukod sa pagiging abala sa kanyang online food business, naglunsad din si Gloc 9 ng Writing and Composition Zoom Workshop habang naka-quarantine. Nagdaos na siya ng ilang session para sa kanyang online class.

Source: glocdash9 (IG)