Showbiz News

Janine Gutierrez, masayang naging bahagi ng female-led project na 'Babae at Baril'

By Marah Ruiz

Opening ng 2020 New York Asian Film Festival ang pelikulang Babae at Baril na pinagbidahan ni Kapuso actress Janine Gutierrez.

Una itong pinalabas noong October noong nakaraang taon bilang bahagi ng QCinema International Film Festival.

Nasungkit pa dito ni Janine ang Best Actress Award habang nakuha naman ng direktor nitong si Rae Red ang Best Director Award.

Sa isang panayam kasama ang ilang piling miyembro ng media kasama na ang GMANetwork.com, ibinahagi ni Janine ang tungkol sa kanyang karakter sa pelikula.

"Isa siyang sales lady na nagtatrabaho sa department store. Bilang babae, araw araw mayroon kang mga pinagdadaanan na mga bagay na kumbaga maliliit na pang-aabuso, bilang isang babae and may mae-encounter siya na malaking pang-aabuso," paliwanag ni Janine.

Malaking bahagi din ng kuwento ang baril na mapupulot ng kanyang karakter.

"Mayroon din siyang mahahanap na baril. From there iikot 'yung kuwento niya. Iikot din 'yung kuwento ng baril--kung saan nanggaling 'yung baril, kung sino nang nakahawak ng baril and what it does to someone, to have that kind of thing in your possession," bahagi niya.

Nang una daw nalaman ni Janine ang tungkol sa pelikula, agad niyang ginustong maging bahagi nito.

"I met with Direk Rae Red and the producer, Bianca Balbuena. They told me about how it's a woman-directed project-- woman-written, woman-produced, woman DOP (director of photography).

"Oh my gosh, I have to be part of this project! As in 'yun pa lang, kahit hindi ko pa masyadong alam 'yung kuwento, the fact na female-led siya, I really was dying to [get the part]. My God, please get me," pag-alala niya.

Bukod sa QCinema at 2020 New York Asian Film Festival, naging bahagi din ng Osaka Film Festival noong nakaraang March ang Babae at Baril.

Dahil sa banta ng COVID-19, hindi na napuntahan ni Janine ang international film festivals na ito.

Gayunpaman, proud pa rin siya na i-represent ang Pilipinas sa larangan ng mga pelikula sa intertational stage.