Showbiz News

Sofia Pablo, nagbigay ng tips para sa sasabak sa distance learning

By Dianara Alegre

New normal para sa mga estudyante ang distance learning o online schooling na ipatutupad ngayong school year, kaya naman may payo ang Prima Donnas actress na si Sofia Pablo sa mga kapwa niya estudyante para mapaghandaan ang pagsisimula ng klase.

Dalawang taon nang homeschooled si Sofia Pablo kaya medyo sanay na raw siya sa ganitong set up.

sofiapablo (IG)

Sa report ng 24 Oras nitong Linggo, August 16, nagbahagi si Sofia ng ilang tips para matulungan ang kapwa niya millennials na makapag-adjust sa bagong sistema ng edukasyon sa bansa.

Aniya, challenging daw ito sa simula ngunit makakasanayan din, lalo na kung magiging pasensyoso.

“'Di ba po kasi, minsan may mga mahahabang stories or notes na 'yung mga ibang students, ang haba shortcut ko na lang.

“Hindi po dapat ganu'n kasi self-taught ka na lang at home. Dapat po intindihin n'yo po mabuti,” ani Sofia.

Sabi pa ng young actress, piliting mag-focus sa aralin at tanggalin ang mga distraction sa learning space.

Dagdag pa niya, huwag umanong madaliin ang pag-aaral sa bawat leksyon upang mas maunawaang mabuti.

“'Wag n'yo po madaliin. Take your time lang kasi kapag minamadali n'yo po pamali-mali. Balewala rin. So, take your time. Slowly pero tama naman,” lahad niya.

Samantala, dahil milyun-milyon na ang natatamong views ng online channels ni Sofia at ng ka-loveteam niyang si Allen Ansay, isinasaalang-alang daw nila ang responsibilidad nila bilang mga iniidolo ng mga kabataan.

Isinasaisip din umano nila na kasabay ng kanilang pagpapasaya ang pagtuturo ng good values sa kabataan.

“Nag-iisip na rin po kami ng ganu'n kasi mas maganda po kung sine-share din po namin 'yung blessings namin sa ibang tao or 'yung knowledge namin.

"Hangga't kaya po namin, gusto po namin na i-influence sila in a good way,” sabi pa ni Sofia.