Showbiz News

Garrett Bolden, binalikan ang naging audition sa 'American Idol'

By Jansen Ramos

"Literal na nakakatakot."

Ganyan ilarawan ng ngayo'y Kapuso Soul Balladeer na si Garrett Bolden ang kanyang American Idol journey.

Anim na taon na ang nakakalipas nang lumipad papuntang Amerika ang Filipino-African singer para mag-audition para sa 14th season ng sikat na singing competition.

Kuwento ni Garrett sa aming exclusive Zoom interview, "Intimidating 'yung mga contestant sa pila pa lang, 'yung cattle call na tinatawag.

"Parang they will look at you, parang they would ask you to sing lalo 'pag 'di ka talaga intimidating pero I made sure to make a few friends."

Naranasan daw ni Garrett na matulog sa kalsada para hindi ma-miss ang audition.

"Do'n ko na-experince na matulog ako sa alleyway, sa gilid ng building tapos meron akong sleeping bag kasi medyo malayo 'yung tinuluyan ko sa Dallas City kung sa'n 'yung audition.

"The night before that I slept there just to be in the line nang sobrang aga."

Kaiba sa kanyang X-Factor experience, hindi umabot sa crucial stage ng screening si Garrett.

"Nakapasok ako sa next round pero 'di na ko nakapasok to meet the judges talaga or sa producers. Do'n lang ako sa pangalawang round, medyo marami pa rin kami," pagbabalik-tanaw ng The Clash graduate.

Sa halip na malungkot, tiningnan na lang ito ni Garrett na parte ng kanyang career growth.

"Failing is a crucial part of success, everytime you fail and get back up, you practice perseverance," aniya sa kanyang Instagram post, kalakip ng ilang larawang kuha mula sa kanyang American Idol audition noong 2014.

Hindi rin daw nanghinayang si Garrett sa rejection dahil worth it ang kanyang experience dahil nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan.

"One experience that I won't forget too was trying out for American Idol in San Francisco. I flew in just to try my luck and the experience was worth it!

"I didn't make the cut but yeah met some amazing people! It is an experience in my book that I will never forget," sambit niya sa isang Facebook post noong July 15, 2019.

Ang Connecticut-native na si Nick Fradiani ang nanalo sa 14th season ng American Idol.