Showbiz News

Pole dancing, isa nang ganap na sport

By Dianara Alegre

Opisyal nang inihayag na isang sport ang pole dancing at kinilala na rin ng Philippine Olympic Committee ang Philippine Pole and Aerial Sports Association na itinatag ni Ciara Sotto.

Isang dekada nang nagpo-pole dancing si Ciara at sa panayam ng 24 Oras, ipinahayag ni Ciara ang ilan sa kanyang mga adhikain ngayong isa nang ganap na sports ang pole dancing.

pinaypole (IG)

“Right now, what I'm trying to work on is to be able to tour our country to look for other athletes because ang daming malalakas na hindi masyado afford bumili ng pole. And I want to bring it to them,” ani Ciara.

Samantala, ginagawa na raw ng kampo nila ang mga hakbang para makasama ang aerial and pole fitness sa Olympics.

“They at least need 40 countries to be able to submit the sport sa International Olympic Committee.

“So, if makasali tayo doon and dumami rin 'yung countries na nakapag-sign up, then there's a chance for pole fitness to be part of the Olympics talaga.

“But right now, we're looking into getting into the Sea Games,” aniya pa.

Umaasa naman umano si Ciara na makakuha sila ng suporta mula sa gobyerno.

“Right now, we will work first with the private sectors because we're still starting and wala pa kaming one year,” dagdag pa niya.

Kasama ng ilang aerial sports enthusiast, napalago ni Ciara ang pole and aerial community na nagsimula sa Luzon hanggang sa magkaroon na rin ng ilang sangay sa Visayas at Mindanao.