Showbiz News

WATCH: Celebrities greet Carmina Villarroel on her birthday

By Maine Aquino

Ilang mga kaibigan sa industriya ang nagsama sama para batiin ng live si Carmina Villarroel sa kanyang birthday.

Ang birthday live greeting ay nangyari nitong August 15.

Binati si Carmina ng mga kaibigan niya sa iba't ibang network kaya naman kitang-kita ang saya niya sa video.

Ang mga bumati kay Carmina ay sina Gelli de Belen, Ariel Rivera, Piolo Pascual, Keempee de Leon, Candy Pangilinan, Lea Salonga at Janice de Belen.



Bukod sa kanilang pagbati, nagkaroon din ng maiksing kumustahan at bukingan ang mga ito. Si Gelli ay nagtanong ng embarrasing experience ni Carmina, si Janice naman ay nagtanong ng strength ni Carmina.

Panoorin ang kanilang masayang kulitan with the birthday girl sa YouTube channel ni Carmina.


WATCH: Carmina Villarroel, binigyan ng test ang mga kapatid

'Sarap, 'Di Ba?,' mapapanood na sa mas pinaagang oras!