advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: The cast of 'Ice Fantasy'

1 of 8

Ka Suo

Bilang pinakamatanda sa mga natitirang prinsipe ng Kaharian ng Niyebe, si Ka Suo (Feng Shaofeng) ang nakatakdang magmana ng trono. Gusto sana niyang talikuran ang trono para sa pag-ibig, pero nanaig ang kanyang responsibilidad.

2 of 8

Ying Kong Shi

Isa sa mga prinsipe ng Kaharian ng Niyebe si Ying Kong Shi (Ma Tianyu). Gustong niyang humalili sa kanyang nakakatandang kapatid na si Ka Suo bilang hari ng Kaharian ng Niyebe para maging malaya ito.

3 of 8

Li Luo

Isang makapangyarihang magndirigma at sugo ng tagapagbantay sa mortal na mundo si Li Luo (Victoria Song). Mapapaibig niya si Ka Suo dahil sa kanyang busilak na kalooban at husay sa pakikipaglaban.

advertisement
4 of 8

Lan Shang

Si Lan Shang (Madina Memet) ang prinsesa ng Tribo ng mga Sirena. Pambihira ang kanyang kagandahan kaya marami siyang napapaibig ngunit may pagtatangi siya para kay Ka Suo.

5 of 8

Yan Da 

Nag-iisa ng anak ng hari ng Tribo ng Apoy si Yan Da (Zhang Meng). 'Di inaasahang iibig siya kay Ying Kong Shi, isa sa mga prinsipe ng Kaharian ng Niyebe.

6 of 8

Lian Ji

Si Lian Ji (Kim Heesun) ang ina ni Ying Kong Shi. Mayroon siyang misteryosong koneksiyon sa Tribo ng mga Sirena, Tribo ng Apoy at Kaharian ng Niyebe.

advertisement
7 of 8

Huo Yi

Hari ng Tribo ng Apoy si Huo Yi (Hu Bing). Matagal na niyang hinihintay ang pagkakataong magsimula ng panibagong giyera laban sa Kaharian ng Niyebe.

8 of 8

Ice Fantasy

Sa marahas na labanan ng apoy at niyebe, kanino ka kakampi? 'Ice Fantasy,' Lunes hanggang Biyernes, 9:10 am, simula March 27, sa GMA FantaSeries!