Showbiz News

Ayuda ni Willie Revillame, pinilahan ng mga tsuper

By Cherry Sun

Naihatid na ni Willie Revillame ang kanyang ipinangakong PhP 5 milyong donasyon at iba pang tulong para sa mga jeepney driver nitong Miyerkules, August 19.

Tinupad na ng Wowowin host ang kanyang ipinangkong tulong na kanyang unang inihayag sa press briefing ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque noong August 7.

Si Willie mismo ang pumunta sa opisina ng LTFRB upang mag-abot ng ayuda nitong Miyerkules. Ngunit bago 'yun, nakipagpulong din siya sa pinuno ng ahensya at pati na rin sa mga lider ng jeepney associations.

Para sistematiko ang pamamahagi at matiyak na makakarating sa mga tsuper ang handog na ayuda, idadaan ang donasyon ni Willie sa iba't ibang lider ng mga grupo ng jeepney drivers na siyang mamimigay nito sa kanilang mga miyembro.

Maliban sa tulong na pera, nakatanggap din ang mga tsuper ng isang sako ng bigas at Wowowin jacket.

Ani Willie, “Two weeks ago pa ito eh. Inayos lang muna naming lahat kung papano sistema. Nangako ako, PhP 5 million eto cash 'no… Nakita ko namamalimos na nga 'yung ibang kasamahan niyo. So sabi ko, 'Attorney, gumawa tayo ng paraan. Bumili tayo ng bigas.'”

Panoorin ang buong ulat ng 24 Oras sa video sa itaas.

Ang Wowowin ay araw-araw nang napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa TV at sa official verified social media accounts: www.facebook.com/GMAWowowin sa Facebook, www.youtube.com/Wowowin sa YouTube, at twitter.com/gmanetwork sa Twitter.