Showbiz News

Zoren at Carmina, excited sa kanilang bagong talk show

Magsasama for the first time sina Carmina at Zoren sa isang talk show. How do they feel about being given the chance to work together? Text by Karen de Castro. Photo courtesy of GMA Network. Simula Monday, August 9, ay mapapanood na ang real-life couple na sina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel sa kanilang sariling talk show, ang Love ni Mister, Love ni Misis. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakasama sila sa kanilang sariling programa. Ano kaya ang kanilang pakiramdam to have been given the opportunity to work together? “Mahirap sumagot kasi ang daming kasamang obligasyon kasi, although natuloy ‘yung gusto naming mangyari, pero behind that mabigat ‘yung obligasyon,” says Zoren. “We’re gonna try our best to make the show fun to watch, kaya bawat episode nag-iinput kami ng aming sariling ideas.” “Ako naman sobrang excited,” sagot naman ni Carmina. “Pareho kami. Mixed emotions e, pero more of really excited and thankful.” Dagdag pa niya, “We will really try our best to have a fun show, pero wala rin po kaming pretensions so kumbaga, kung ano ‘yung makikita niyo dito sa Love ni Mister, Love ni Misis, ganoon talaga kami sa isa’t-isa.” Gaano ba nila katagal pinangarap ito? “Somehow I knew dadating siya, pero hindi ko alam kung kailan. Dahil marami namang nakakita na ‘yung combination naman namin ni Carmina, maganda. Maganda rin naman yung survey nila regarding us, tapos nagsunod-sunod na nga ‘yung ibang commercials namin,” kuwento ni Zoren. “Tapos ‘yun nga, ‘yung nag-host na ako dun sa Kitchen Battles, dun na nila siguro napagtugma-tugma na ‘Baka nga it might work kung i-combine natin ‘yung dalawa.’” Mina adds, “I guess it’s something different and it’s something new also kasi first variety-magazine-talk show ito na mag-asawa in real life also, kasi di ba kalimitan, laging it’s either dalawang lalake or mostly mga babae, so at least ito may point of view kaagad ng babae, may point of view kaagad ng lalake.” Kaya naman may gustong patunayan si Zoren dito sa kanilang bagong talk show. “Normally kasi, ‘yung morning talk show, puro babae e, mga mommies,” ang observation ni Zoren. “So actually, maganda yung concept kasi malawak siya dahil may kasama nang mister na maaaring magturo.” Sila na ang bago niyong makakasama sa weekday morning chikahan kaya naman make sure to catch the pilot episode of Love ni Mister, Love ni Misis on August 9, from 9:30 to 10:15 ng umaga only on GMA. Samantala, kung gusto niyo namang maka-chikahan personally sina Zoren at Carmina, you have the chance to bond with them sa iGMA Live Chat! On Wednesday, August 18, 2010 from 1 p.m. – 3 p.m. ay makikipag-chat sina Zoren at Carmina sa mga fans kaya naman make sure to prepare your questions para sa kanila. You can log on at www.igma.tv/livechat for more details on this exclusive event. Pag-usapan sina Zoren at Carmina sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!