Showbiz News

Ang muling pagtatambal nina Claudine at Mark Anthony

Ngayong Sabado ay mangyayari na ang pinakahihintay ng mga manonood na pangyayari on Philippine Television – ang muling pagsasama nina Claudine at Mark Anthony sa isang project. Text by Karen de Castro. Photo courtesy of GMA Network. Unang nagharap sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez sa Showbiz Central last Sunday, kung saan sila ay nag-usap after fifteen years ng hindi pagkikita. Ngayon ay magaganap na ang pinakahihintay ng lahat – ang muling tambalan nina Claudine at Mark Anthony, na una na nilang ipinahayag noong Sunday sa kanilang interview. Magaganap ang kanilang muling pagsasama sa finale episode ng Claudine na pinamagatang “A Love Story”. Dito ay gaganap si Claudine bilang si Paulene, ang babaeng iiwan ng kanyang mapapangasawang si Anton, played by Mark Anthony. Pagkalipas ng dalawang taon ay muli silang magtatagpo ng landas, at patuloy pa rin ang pagmamahal ni Paulene kay Anton sa kabila ng ginawa nito. Sa pagkakataong ito, magtapos kaya ang kanilang love story with a romantic kiss, o kaya naman maging malungkot ang ending nito with a bitter goodbye? Ang espesyal na finale episode ng Claudine ay kinuhanan sa Subic. Isinulat ito ni Aloy Adlawan and is directed by Argel Joseph. Make sure to tune in this Saturday upang mapanood ang huling episode na ito. Mapapanood ang Claudine after ng Kaya ng Powers only on GMA. Pag-usapan sina Claudine at Mark Anthony sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Mark Anthony. Just text MARKA (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) MARKA (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.