Showbiz News

Golden Cañedo, inakalang hindi na ulit makakakanta dahil sa problema sa panga

By Cherry Sun

Inakala raw ni Golden Cañedo na hindi na siya muling makakakanta matapos may maramdamang pananakit sa kanyang panga.

Nitong Huwebes, August 20, humarap si Golden sa entertainment writers sa kanyang naganap na virtual media conference para sa kanyang bagong single na “Walang Hanggang Sandali.”

Kuwento ng Kapuso singer, kahit na-interrupt ang trabaho ay hindi raw niya pinabayaan ang kanyang pagkanta. Napansin din daw niyang nagbago ang kanyang boses nang sumapit ang kanyang 18th birthday nitong April.

Wika ni Golden, “Everyday po talaga kumakanta ako. Like hindi ko po talaga pinapabayaan 'yung voice ko. Kung ano po talaga 'yung ginagawa ko… Sa studio, kumakanta rin ako. Dito rin po kumakanta ako sa All Out Sundays and of course nagpa-practice po ako ng mga kanta na mine-maintain ko po kung 'yung boses ko and then nagdi-discover po ako ng iba-ibang kanta. Kasi nag-18 na po ako so nag-iba po 'yung voice ko. Nag-grow po siya, so parang mas kumapal po siya.”

Kabilang ng pag-aalaga at pagte-train ng kanyang boses, sinusubukan daw niya ang iba't ibang genre tulad ng pag-cover ng K-Pop songs. Ngunit kahit hindi raw siya nagpapabaya ay natakot siya nang makaramdam ng sakit sa kanyang panga.

Kuwento niya, “Before me, my mom nagkaganito rin po siya. Nagpa-pop ['yung jaw]. Until now naman po, nandito pa rin po pero mina-manage ko po na hindi po ako mag-open talaga na mag-open [ng mouth] kasi pag nag-open ako, mag-a-ano talaga siya, magki-click.

“Noong una po talaga, doon ko po na-feel ang sobrang, sobrang sakit po niya eh. Ano po siya sa ulo ko, nagko-connect po siya. So doon ko po na-feel na 'Hindi na ba ako makakakanta?' Parang ganun. Parang na-miss ko na po 'yung performances ko sa All Out Sundays kasi po nag-stop po ako noong time na 'yun.”

Nagpa-check up na raw si Golden at nakakuha ng medical advice. Hindi raw seryoso ang kanyang kondisyon ngunit sinabihan siya ng mga dapat gawin tulad ng wastong vocalization at mga dapat iwasan tulad ng pagkagat sa matitigas na pagkain.

ALSO READ: Golden Cañedo relates new single to relationship with non-showbiz boyfriend