Showbiz News

Maxene on Elmo: “Actually, number one fan ako ni Elmo.”

Maxene Magalona shares kung gaano siya ka-proud sa kanyang kapatid na si Elmo. Text and photo by Karen de Castro. Isa sa mga fast-rising young stars today ang anak ng namayapang si Francis Magalona na si Elmo Magalona. Busy siya ngayon sa iba’t-ibang projects, starting with Party Pilipinas, kung saan siya nag simula, and then Pilyang Kerubin, na kanyang pinakaunang primetime soap, and ang Kaya ng Powers, kung saan sinubukan niya ang comedy for the first time. Dahil sa pag-boom ng career ay hindi maiwasang maikumpara siya sa kanyang ate na si Maxene Magalona. At dahil nga bago pa lamang si Elmo sa showbiz, siya nga ba ang mas madalas sinasamahan ngayon ng kanilang ina na si Pia Magalona? “Si Elmo naman kasi, ever since nag-start siya with Party Pilipinas and then with Pilyang Kerubin, hindi siya sinasamahan ni Mama,” kuwento ni Maxene. “Pero ako dati, nung nagsisimula pa lang ako, kasi girl ako, parati akong sinasamahan ni Mama. Eto namang si Elmo, talagang tine-train ni Mom in such a way na kaya niya on his own kasi nga lalake. So hindi siya sinasamahan.” Ano naman kaya ang pakiramdam ni Maxene sa success na tinatamasa ng kanyang kapatid ngayon sa showbiz? “Ako sobrang proud ako and hindi ko alam kung [bakit] sinasabi ng mga tao na nalalampasan na raw ni Elmo yung career ko,” she shares. “I don’t look at it that way. Talagang proud na proud ako sa kapatid ko. Actually, number one fan ako ni Elmo.” Maxene even shared one moment na nagpakita ng kanyang pagiging fan ng kanyang kapatid. “Nung Sunday [na] nag-Party Pilipinas tribute para sa dad ko, sabi ko sa EP namin, si Ms. Mona, ‘Sayang walang TV. Hindi ako makakanood.’ ‘Meron kayang TV diyan.’ ‘Saan?’ Takbo ako tapos pagkabukas ko ng TV, kakatapos lang ng prod ni Elmo,” she reveals. “Halos mangiyak-ngiyak ako kais hindi ko napanood. Asar na asar talaga ako. Pero I caught it on YouTube and then sobrang kinilabutan talaga ako. [I’m] proud na proud. As in, lalo na yung part na sumasayaw sila magkasabay. Ang galing.” Pag-usapan sina Maxene at Elmo sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Maxene. Just text MAXENE (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) MAXENE (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.