GMA Logo Manilyn Reynes
What's Hot

Manilyn Reynes, nagpa-swab test bago sumabak sa taping

By Aedrianne Acar
Published August 26, 2020 10:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Manilyn Reynes


Ibinahagi ng Kapuso comedienne-singer na si Manilyn Reynes ang naging experience niya na magpa-test para malaman kung positibo siya sa COVID-19.

Para makasigurado na magiging safe ang pagbabalik-taping niya, pinili ng versatile actress na si Manilyn Reynes na magpa-swab test para malaman niya kung positibo siya sa COVID-19.

May dalawang klaseng test ang ginagamit ngayon para matukoy kung tinamaan ang isang tao ng novel coronavirus. Una na diyan ang Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) Test na tinuturing na pinaka-accurate ayon sa Department of Health at ang ikalawa naman ay ang Rapid Antibody-based Test or Immunologic method.

Sa Instagram post ni Manilyn, ipinasilip niya ang mga nangyari nang magpa-test siya kahapon, August 25.

Bago bumalik sa taping🎥, swab testing muna. Stay safe guys😊😷 #swabtesting

A post shared by manilynreynes27 (@manilynreynes27) on


Makikita sa comment section na nag-react sa photo niya sina Mosang at Maureen Larrazabal, silang dalawa ay mga co-stars ni Manilyn sa award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.

Screenshot taken from Manilyn Reynes Instagram account

Wala nang ibinigay pang detalye ang Kapuso actress kung ang ginawa niyang test ay para sa pagbabalik shoot nila sa naturang sitcom.

Matatandaan na noong nakaraang linggo, may pahiwatag na si John Feir na gumaganap na Patrick sa Pepito Manaloto na malapit na uli sila magkita-kita.

Marami nang nag-aabang sa new episode ng Pepito Manaloto, lalo na at gumaling na ang lead actor ng show na si Michael V., matapos tamaan ng COVID-19 noong Hulyo.

RELATED CONTENT:

#NewNormal: Celebrities at ang kanilang pagbabalik-trabaho

Manilyn Reynes, excited nang sumabak muli trabaho