Si Camille Prats at VJ Yambao ang dumalaw sa bahay ni Regine Velasquez-Alcasid nitong Sabado, March 25, para pag-usapan ang kanilang magandang love story sa 'Sarap Diva.'
Isang nakakatawang Divaoke muli ang naging simula ng ating Sabado ng umaga kasama sina Camille bilang Princess Sarah, Terry "Inday" Gian bilang Miss Minchin, at Vicki "Beki" Below.
Hindi mapigilan ni Camille ang kanyang tawa kay Beki.
Ibinahagi ni Camille ang kanilang love story ni VJ.
Nagbigay si Camille ng kanyang wedding checklist sa isang lucky 'Sarap Diva' viewer na malapit nang ikasal.
Napasabak sa acting challenge si VJ!
Punong-puno ng tawanan ang tahanan ng Cooking Diva.
Itinuro ni Camille ang isang easy to prepare recipe na papatok din sa kids.
May pillow war din si Regine para sa mag-asawa para ma-test kung gaano nila kakilala ang isa't isa.
Samahan muli si Regine Velasquez-Alcasid sa susunod na Sabado sa 'Sarap Diva.'