Showbiz News

Ang panggugulo ni Aurora

Sa nalalapit na pagtatapos ng ‘Langit Sa Piling Mo’, ano pa kaya ang mga gagawin na panggugulo ni Aurora kina Rigo at Marj? Katrina Halili gives us an update. Text and photo by Karen de Castro. Nakita ng mga manonood kung paanong pinahirapan at ginulo ni Aurora sina Marj at Rigo sa Langit Sa Piling Mo. Ngayong magkahiwalay na sina Marj at Rigo ay sinusubukan naman ni Aurora na bumalik sa buhay ni Rigo, ngunit si Marj pa rin ang inaalala ni Rigo hanggang ngayon. Sa nalalapit na pagtatapos ng Langit Sa Piling Mo, ano pa kaya ang gagawin ni Aurora? “Iha-hijack namin yung plane na sasakyan [ni Marj]. Actually hindi ako, yung daddy ko po, si Stanley, si Mr. Tonton Gutierrez, siya yung magha-hijack nun. Tapos makiki-ride on lang po ako. So sisiguraduhin ko na nandun si Marj dun sa flight na yun,” kuwento ni Katrina Halili, na siyang gumaganap bilang Aurora. Kontrabida man si Aurora kay Marj sa show ay hindi naman ganito ang kaso sa totoong buhay. In real life ay natutuwa si Katrina sa kanyang co-star na si Heart Evangelista. “Nakakatuwa din po si Heart at saka sobrang professional katrabaho, tapos mabait, tapos nagkukulitan kami sa set,” she says. Dagdag pa nito, “Makulit din pala si Heart. Akala ko kasi tahimik lang siya tapos hindi siya nakikipag-usap ‘di ba? Tapos pinupuntahan niya ako sa van. Tapos lagi siyang nag-iinvite sa house niya kaso hindi ako nakakapunta. “ May personal naman na paanyaya si Katrina para sa mga manonood ng Langit Sa Piling Mo. “Sana po manood kayo ng Langit Sa Piling Mo. Malapit na po kaming matapos. Marami pang revelation at saka marami pang kababalaghan na gagawin si Stanley, susunod lang si Aurora.” Marami pang mga revelations ang magaganap lalo na ngayong bumaligtad na si Jenny kay Aurora at ipinagtapat na niyang hindi siya si Joy, at marami pang gagawin si Aurora para subukang mabawi muli si Rigo mula kay Marj, kaya abangan ang Langit Sa Piling Mo on GMA Telebabad bago mag-24 Oras. Pag-usapan si Katrina sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Katrina. Just text KATRINA (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper, text GOMMS (space) KATRINA (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.