Showbiz News

Dingdong Dantes pumirma ng exclusive contract sa GMA

Kasama ang kanyang manager na si Perry Lansigan, pumirma si Dingdong Dantes ng exclusive contract sa GMA Network kahapon, August 26, 2010. Text by Loretta G. Ramirez, Photo by Connie M. Tungul Naganap ang pirmahan sa 16th floor ng GMA Network building bandang 3.30 ng hapon pagkatapos ng contract signing ng PPL Entertainment talents na sina Jolina Magdangal at Carl Guevarra. Kabilang sa mga pumirma si Atty. Felipe L. Gozon, GMA Network Chairman, President and CEO at Mr. Gilberto Duavit, Jr., GMA Executive Vice President and COO. Naroon din sina Ms. Marivin Arayata, GMA Network Vice-President for Entertainment at Ms. Lilybeth Rasonable, GMA Network Vice-President for Drama para i-congratulate ang mga talents ni Perry Lansigan. “Masaya ako, then again ‘yung mga taon, mga numero lang yan eh, pero para sa akin kung tutuusin almost half my life nandito na ako sa GMA and I don’t mind spending the rest of my life here,” ang naging pahayag ni Dingdong Dantes after niyang pumirma ng kontrata. Kasabay nito, nag-promote din si Dingdong ng kanyang top-rating soap, ang Endless Love. “May kasalan, suicide at kung ano-ano pang mangyayari… ginawa din namin kagabi 'yung proposal ni Johnny kay Jenny,” ang patikim na sabi ni Dingdong. Mapapanood ang Endless Love, weeknights sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Ilumina. Pag-usapan si Dingdong sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Dingdong. Just text DINGDONG (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper, text GOMMS (space) DINGDONG (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.