
Nagbigay pasilip si Kapuso actress Rita Daniela sa upcoming film nila ng onscreen partner na si Ken Chan na My First and Forever.
Gaganap si Rita at Ken bilang sina Luisa at Luis sa pelikula na nasa ilalim ng direksyon ni Louie Ignacio. Ipinakita rin ni Rita ang ilang scenes sa pelikula tulad ng isang eksena nila ni Ken sa Pagsanjan at isang dance number naman ni Rita kasama ang ibang cast.
Pinuri rin ni Rita ang katambal niyang si Ken sa talento at pagiging maalaga nito.
Aniya, "Sa napakahusay na aktor na kilala ko, mapagkumbaba, maalaga at mapagmahal...salamat sa'yo. I'm so happy that I'm sharing this victory with you. Thank you for taking care of me."
Dagdag ni Rita, "Luis ko, gwapo, miss na miss na kita..️ #MyFirstAndAlways"
Nagbigay din ng pasilip si Ken sa kanilang taping, at ibinahagi na ibayo ang pag iingat ng buong cast at crew ng My First and Forever sa kanilang taping, at sumailalim na rin ang team ng swab testing para makasigurado sa kaligtasan ngayong pandemya.