Showbiz News

Arnold Clavio, hangad ang tagumpay ni Rhea Santos bilang news presenter sa Canada

By Aedrianne Acar

Isa sa excited para sa bagong career ni Rhea Santos sa Canada ang dati niyang kasamahan sa Unang Hirit na si Arnold Clavio.

Buong pagmamalaki na inanunsyo ni Rhea na parte na siya ng isang all-Filipino cast ng Omni News.

Sa Instagram post ng GMA News pillar at dzBB host, sinabi niyang lahat sila sa Unang Hirit ay suportado si Rhea sa bago niyang misyon sa Omni Television.

Saad ni Arnold, “Goodluck @msrheasantos . Tandaan mo ang buong puwersa ng @unanghirit ay nasa likuran mo para maging matagumpay ka sa iyong pinakamamahal na propesyon. Galingan mo ha?#walangiwanan Kamusta po sa mga kapuso natin diyan sa 🇨🇦 Canada!!! @omninews Stay safe. Stay home.”

Samantala, nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si Rhea Santos sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa pagiging bahagi niya ng OMNI News: Filipino edition.

“Di ko pa alam kung paano ko kayo pasasalamatan. Masyado niyo po akong pinasaya sa mga mensahe niyo ng suporta at pagmamahal. Kasama ang buong #OMNIFilipino news team, maraming, maraming salamat sa dasal, sa palakpak, sa pagtanggap, sa patuloy na pagtitiwala.

Pangako niya, “Asahan niyo pong ipagpagpapatuloy namin ang aming serbisyo na makapaghatid ng balita para sa mga Pinoy at Filipino-Canadians. Proud to share my heritage to a country who's strength are the differences of its people.

“Di ko man kayo maisa-isa para pasalamatan, please know that your messages inspire and motivate me to do better and be better. Thank you #gratitude #filipino #pinoy.”

Nilisan ni Rhea Santos ang Pilipinas noong 2019 para pumunta sa Canada, kasama ang kanyang pamilya.

Halos dalawang dekada na naging parte ng GMA-7 ang magaling na news anchor at host. Bukod sa Unang Hirit, naging host din siya ng Tunay na Buhay.

IN PHOTOS: Rhea Santos's new life in Canada

News personalities at netizens, pinusuan ang 'Savage Love' dance cover nina Mike Enriquez at Arnold Clavio