Showbiz News

Rita Daniela and Ken Chan tick off another bucket list with film 'My first, Your Last'

By Dianara Alegre

Malaki ang pasasalamat nina Kapuso stars Ken Chan at Rita Daniela dahil sa unang pagkakataon ay magtatambal ang dalawa para sa isang pelikula.

Tampok sila sa pelikulang My First, Your Last na tungkol sa istorya ng pagkikita ng isang seminaristang malapit nang mag-pari (Ken) at ng isang babaeng bar singer (Rita.)

Rita Daniela at Ken Chan / Source: missritadaniela (IG)

Sa panayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Rita na hindi niya inakalang mabibigyan siya ng ganitong proyekto lalo pa dahil tuloy pa rin ang pakikipaglaban ng bansa sa COVID-19.

“Sobrang blessed po talaga sa panahon ng pandemic. Sinong mag-aakala na makakagawa kami ng ganitong klaseng proyekto together?” lahad ng aktres.

Labis naman ang sayang nararamdaman ni Ken dahil may isa ulit silang natupad na pangarap ni Rita.

“Rita, natupad na 'yung pangarap natin!

“'Pag nasa taping kami ni Rita, lagi kaming nangangarap. Nangangarap kami na sana magkaroon kami ng pelikula,” sabi pa niya.

Kasama nila sa pelikula sina Lotlot de Leon, Richard Yap, John Gabriel at Bryan Benedict.

Ang My First, Your Last ay sa ilalim ng produksyon ng movie outfit na Heaven's Best Entertainment.

Samantala, dahil malapit na magkaibigan ay dala umano nila hanggang sa set ng pelikula ang kulitan at tawagan nilang “Chow” at “Choy.”

Pero ano nga ba ang meaning ng endearment nila para sa isa't isa?

“Bigla nakita ko po 'yung baby picture ni Ken para kinder pa siya nu'n, e. 'Yung mukha niya po talaga, sorry talaga, pero mukha po talaga siyang Chow Chow talaga nu'ng baby siya,” ani Rita.

Sabi naman ni Ken, “Tawag ko sa kanya 'Choy' kasi cute. Parang tabachoy ang cute-cute.”

Aminado ang dalawa na mahal nila ang isa't isa at labis nilang pinahahalagahan ang kanilang pagkakaibigan.

“Alam naman natin kung paano mag-commit sa isang relasyon. May mga pagkakataon na hindi kayo nagkaayos at kapag naghiwalay kayo hanggang du'n na lang,” anang aktor.

Dagdag pa ni Rita, “It's just that mas nagma-matter sa amin 'yung friendship namin. 'Yung relationship na 'yon na hindi naming pinipilit to go on that journey.