Showbiz News

May mga bagong kaibigang magpapasaya tuwing umaga!

By Jansen Ramos

Mommies and kids, may mga bagong kaibigan tayong makakasama every Tuesday morning!

Maki-bonding kay 'Mom C' Camille Prats kasama ang kanyang dalawang puppets na si Benjie, isang nine-year-old grade-schooler, at ang cute na cute na dog best friend nitong si Penpen, sa bagong edu-tainment program ng GMA Public Affairs na Makulay Ang Buhay.

Tara na at maki-awit at maki-sayaw sa kanilang fun music videos, makinig sa kanilang mga nakakaaliw na kwento, makisaya sa iba't ibang games, at matuto ng arts and crafts, at pagluluto habang natututong kumain ng masusustansyang pagkain.

Bukod sa pagkain nang wasto, tatalakayin din sa Makulay Ang Buhay ang impact ng gadgets, food safety at foodborne diseases, pagpapatibay ng resistensya, pagkawala ng ganang kumain at ang growth gap years, mga gulay mula sa bakuran o sustainable food sourcing, kakulangan sa iron, at kalusugan ng buto at mga nutrinang makakatulong sa pagtangkad.

Siyempre, hindi mawawala sa talakayan ang mga pagkaing grow, glow, at go, sustansyang dulot ng local veggies gaya ng kangkong at sitaw, at kahalagahan ng pagkain ng almusal.

Ready na ba kayo sa fun-filled adventure ng Makulay Ang Buhay? Siguraduhing gumising nang maaga para samahan sina 'Mom C' Camille, Benjie, at Penpen every Tuesday, 9:30 a.m., simula September 15 sa GMA!

Kung ma-miss n'yo man ang episode, huwag kayong mag-alala dahil may replay ang programa tuwing Sabado, 9:45 a.m.

Kita-kits, mga Kapuso!